Vivamax bombshell Rose Van Ginkel gustung-gustong ini-stalk: ‘Pero nakaka-trauma rin siya pag bastos na’

Vivamax bombshell Rose Van Ginkel gustung-gusto ini-stalk: 'Pero nakaka-trauma rin siya pag bastos na'

Rose Van Ginkel

NANINIWALA kami na magiging isang malaking artista rin pagdating ng tamang panahon sa mundo ng showbiz ang Vivamax bombshell na si Rose Van Ginkel.

Napatunayan na ng dalaga sa pelikulang na “Kitty K7” na hindi lang paghuhubad at pakikipag-love scene sa harap ng mga camera ang kaya niyang gawin, kundi marunong din siyang umarte.

Pinabilib niya ang mga manonood sa performance niya bilang isang camgirl na nagngangalang Kitty K7, kaya hindi na kami magtataka kung ma-nominate siya bilang best actress sa next awards season.

Kasama rin pala si Rose sa “Martyr or Murderer” ni Darryl Yap at may ginagawa rin siyang action series sa Disney Plus, ang “Big Bet” kung saan isang Korean actor naman ang makakatambal niya.

Bukod pa riyan, bibida uli ang sexy actress sa latest Vivamax mini series na “Stalkers” kung saan gaganap siya bilang si Apple, ang pinagpapantasyahan ng karakter ni Wilbert Ross na si Harry.


Sa tunay na buhay ba ay naranasan na niya ang magkaroon ng stalker? “Yes po. In college, may nag-i-stalk sa akin. Lagi akong inaabangan, giving me all sorts of gifts. It became scary, kaya natakot akong lumabas for a while. Buti na lang tumigil din siya.”

“Kasi for me, kung ina-admire ka lang, nakakatuwa kasi hinahangaan ka. Huwag lang ‘yung masyado nang aggressive lalo at mahirap i-handle ‘yung iba.

“Sa totoo lang, gustong-gusto ko na ini-stalk pero nakaka-trauma rin siya kung bastos na,” sey pa ng aktres.

Samantala, pigil na pigil pa rin si Rose sa kanyang paghuhubad at pakikipag-love scene sa mga ginagawa niyang pelikula sa Vivamax. Hindi pa rin niya ito maitodo unlike other Vivamax sex a
Sirens.

“For me, ito na ang pinakamalala na ginawa ko for Vivamax, tapos series pa. Ito na ang pinakamalala kong nagawa,” ani Rose.

Makakasama rin sa 4-part series na “Stalkers” sina Mark Anthony Fernandez, Yayo Aguila, Nico Locco, Gwen Garci, Keanna Reeves, Millen Gal, Chloe Jenna, Rash Flores at Shienna Yu. Mapapanood na ito sa Vivamax simula February 26.

Derek, Ellen, Rose Van Ginkel ayaw pang magpabakuna pero todo ang pag-iingat kontra COVID

Marco Gallo nasaktan sa love scene nila ni Rose Van Ginkel sa ‘Kitty 7’: May ginawa kaming Asian position para magpantay

Janelle Tee hiyang-hiya kay Joey Reyes: Tapos napansin niya mahilig akong lumafang kaya pinakain niya ako nang husto

Read more...