Para sa may kaarawan ngayon: Araw ngayon ng Our Lady of Perpetual Help. Simulan ang celebration ng birthday sa pagsisimba. Laging humingi ng tulong sa Maykapal upang pagpalain at magtagumpay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Upang mas mabilis na suwertehin, maglagay ng artificial na nunal sa kanang bahagi ng pisngi. Ang nasabing nunal ang hihigop ng maraming suwerte. Sa pag-ibig, dahil sa nasabing nunal ay higit kang mas magiging kaakit-akit. Mapalad ang 4, 17, 34, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Maiiwasan ang pagkakasakit kung laging iinom ng maraming tubig. Kalakal na may kaugnayan din sa tubig at pagkain ang magpapaunlad. Sa pag-ibig, tandaang ang regular na romansa ay nagpapalakas ng immune system. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kung magpapagawa ng bahay, gamitin ang stainless, salamin at aluminum na materyales. Ang nasabing mga materyales ang magbibigay sa iyo ng suwerte sa larangan ng pananalapi at pag-ibig. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yophiel-Babalam-Nema-Om”. Bukod sa silver, ang white ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag masyadong magpaalipin sa kasuyo! Gusto mo bang lagi ka na lang naa-under? Ang pagiging malaya ang magdadala sa tagumpay. Sa pinansyal, iwasan ang masyadong mapagbigay, alalahanin mong nauubos din ang salapi. Mapalad ang 4, 11, 20, 29, 33, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Rama-Om.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Parating na ang suwerte, hindi mo ba nararamdaman? Ngumiti kang lagi at maging masaya upang lalo pang suwertehin at maging maligaya. Sa pag-ibig tuloy ang pakikipagrelasyon sa isang Aries. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 3, 15, 19, 24, 34, at 41. Pink at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Konsentrasyon ang dapat! Ang mga Virgo kasi ay kung anu-ano ang ginagawa at iniisip. Kapag nag-concentrate sa dalawang bagay lang, pera at seryosong pag-ibig, uunlad ka at habambuhay na magiging maligaya. Mapalad ang 2, 11, 28, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.”
Libra – (September 23-October 23)—Kung pagyaman ang layunin, okey lang kung medyo chubby at mataba ka. Karamihan sa mga yumayaman ay nagiging mataba habang ang mga payat na Libra ay malabong yumaman. Sa pag-ibig, mas masarap ding kayakap ang makatas kaysa sa payat. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaan-Nama-Om.” Violet at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Bakit hindi ka lumiligaya? Isip-bata ka pa kasi! Makakamit ang maturity kung maluwag sa loob na tatanggaping ang anumang bagay na nawawala at lumilipas ay hindi na muling magbabalik. Wag umasa, magpatuloy lang sa kasalukuyang ginagawa. Mapalad ang 1, 9, 18, 24, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Wag pansinin ang mga negatibong pangyayari. Ipagpatuloy ang pagko-concentrate sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, impluwensiyahan ang kasuyo na maging mukhang salapi upang mas mabilis kayong yumaman. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jina-Anam-Babalam.” Green at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pag-ibig, wag intindihin ang sinasabi ng iba, tama ang nasa isip mo, sa bandang huli ikaw parin ang dapat na magpasya – buhay mo yan! Sa pinansyal, “kanya-kanya ng diskarte ‘yan, walang basagan ng trip.” Mapalad ang 8, 17, 26, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi dapat magtiis kaya mong baguhin ang buhay sa isang iglap lang. Mangibang-bayan. Sa pag-aabroad higit na uunlad ang karanasan. Sa ibayong dagat matatagpuan mo rin ang true love. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Gold at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Wag kang mapapagod. Sa pinansyal, ituloy ang pag-gising ng maaga upang marami kang magawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mas masarap ang romansa kung sa umaga gagawin. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at red ang buenas.
HOROSCOPE October 09, 2013
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...