Hindi malandi, hindi masamang babae si Cristine! – Derek

 

Cristine Reyes at Derek Ramsay

Ipinagtanggol naman ni Derek ang ex-dyowang si Cristine Reyes sa mga nambabastos at nambabalahura rito. Marami kasi ang nagsasabi na siya ang hindi nakatagal sa pangit na ugali ng aktres kaya naghiwalay sila agad.

“Ang sasabihin ko lang, walang may kasalanan sa nangyari. Walang may kasalanan. Walang may mali. Walang masama. It’s just a decision that was made.

“That’s just…nangyari ang nangyari. Walang bagay ang nagdala ng galit o kung anuman ang sinasabi ng mga tao,” pahayag ng hunk actor. Dagdag pa nito, “Kung ugali, tatlong taon ko siyang kilala. Tatlong taon ko siyang kaibigan.”
E, hindi naman kaya nagtikiman lang sila ni Cristine ay nagkasawaan agad? “No, no, three years kaming magkaibigan. We’ve been… three years, we go out. We hang out. It’s just innocent friendship, and that’s what we want to be.”

Hindi rin daw sila mga sinungaling tulad ng akusasyon ng iba, “Alam namin ang totoo ni AA (palayaw ni Cristine). And that’s all that matters. Like you’ve said, merong ugali niya. Bakit ugali niya? Bakit siya ang inaano? Walang ganu’n. Kilala ko ang ugali ni AA. She’s a wonderful person.”

 

Hirit pa ni Derek, “But, as you can see, there’s respect for both parties, and that’s what we want to keep private. Kasi, yung relationship namin ni AA, tatlong taon. And I’m always gonna be there for her as a friend, as her best friend.”

Read more...