GUMAWA ng kasaysayan ang Kalinga province sa mundo!
Hindi lang isa, kundi dalawang titulo ang nakuha ng probinsya sa Guinness World Records.
Ito ang “Largest Gong Ensemble” at “Largest Banga Dance.”
Ayon sa Facebook page ng lokal na pamahalaan, opisyal itong idineklara ng official adjudicator ng Guinness World Records na si Kazuyoshi Kirimura noong February 15.
Caption sa post, “Kalinga made history after breaking two world records for the ‘Largest Gong Ensemble’ and ‘Largest Banga Dance’ in a grand spectacle dubbed as a ‘Call of a Thousand Gongs, Dance of a Thousand Pots,’ today, February 15, at the Kalinga Sports Complex.”
Paliwanag pa ng LGU, nasungkit nito ang mga nasabing titulo matapos maitala ang pinakamalaking bilang para sa mga nagtanghal na gong players at banga dancers.
“With the staggering 3,440 Kalinga male folks who played their gongs in an ensemble and 4,681 Kalinga women who danced with pots called ‘banga’ on their heads, the province smashed the world record attempts and made it to the Guinness Book of Records,” lahad sa FB.
Ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng prestihiyosong titulo ang nasabing probinsya matapos ang unang pagtatangka noong 2018 na may pinakamalaking grupo ng gong performers.
Dahil sa tagumpay, lubos ang pasasalamat ng probinsya sa lahat ng lumahok at sumali sa pagtatanghal.
Sey ng FB post ng LGU, “The province would like to extend its gratitude to all the participants who endure the long hours and rain for this historic achievement. You made this possible, thank you very much!”
Read more: