Stephen Speaks gustong maka-collab si Nina: It is fate…You have the voice of an angel

Stephen Speaks gustong maka-collab si Nina: It is fate…You have the voice of an angel

PHOTO: Facebook/Nina “Diamond Soul Siren” Girado

IBINANDERA ng international acoustic pop rock singer na si Stephen Speaks ang kanyang kahilingan na magkaroon ng collaboration sa tinaguriang “Diamond Soul Siren” na si Nina.

‘Yan ay matapos ibahagi ni Nina sa social media ang naging kwentuhan nilang dalawa matapos muling magsama sa isang mall show sa bansa.

Para sa kaalaman ng marami, nasa Pilipinas ngayon ang international singer para sa kanyang mall tour ngayong Pebrero.

Sa isang Facebook post, nakwento ni Nina ang kanyang pagkatuwa dahil naaalala pa siya ni Stephen kahit dalawang dekada na mula nang sila ay huling magkasama sa isang show.

Caption ng singer, “So Mr. ‘Stephen Speaks’ (Rockwell Ripperger irl) was telling me how he remembered me from 20 years ago… You know what’s so cool though? That we were their front act, and I couldn’t believe he remembers me.”

Napansin naman ito ng international singer at pinuri pa ang mala-anghel na boses ni Nina.

Giit pa niya, nais niyang gumawa ng collaboration song kasama ang OPM singer.

Saad ni Stephen sa FB post, “Nina, how could I ever forget? What a wonderful surprise to find out we were performing together again.”

Dagdag pa niya, “When we did that last song together and all came on stage, you hit those harmonies so perfect…. You have the voice of an angel.”

“Collab. We have to collaborate together. It is fate,” aniya.

Kahit wala pang kumpirmasyon sa alok ni Stephen, maraming Pinoy netizens naman ang na-excite at looking forward sa gagawing collab ng dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“YAAAS to collaborate! [red heart emojis]”

“Nina has a diamond voice, a voice of an angel indeed. Yes to collab, Stephen Speaks!”

“We love you both wala pa ring kupas gaganda pa rin boses nyo.”

Ilan sa mga sikat na greatest hits ni Stephen Speaks ay ang “Passenger Seat,” “Out of My League,” “Alive To Fight,” at marami pang iba.

Samantala, unang ibinunyag ni Nina na balak niyang pasukin ang international music scene.

Chika niya, noong nakaraang taon sa isang press conference na plano niyang maglabas ng bagong single sa Amerika ngayong taon.

Related chika:

Maureen Wroblewitz may ‘trauma’ sa nakaraang relasyon: I wasn’t loved the way I wanted to be loved

Read more...