BAGO isinalin ni Yllana Aduana ang titulo niya bilang Miss FIT (Face, Intelligence, Tone) Philippines, nag-post siya sa Facebook na nagpapakitang nasa GMA Network Center siya sa Quezon City, tila nagpapahiwatig ng nagbabadyang show biz career.
“I’ve been dipping my feet [in show biz], because it’s also my passion to present myself on the entertainment industry, more than the pageantry,” sinabi niya sa Inquirer sa isang panayam sa press presentation ng 2023 Miss FIT Philippines pageant na itinanghal sa Palazzo Verde sa Las Piñas City noong Enero 26.
Sinabi niyang mapalalawig ang maabot niya sa pagiging artista, “then I can also use that to synergistically improve the platform, or widen the perspective and platform that I have with being a beauty queen.”
At kahit hindi pa man siya nakalalagda sa isang kontrata bilang opisyal na network artist, sumalang na si Aduana sa seryeng “Abot-Kamay na Pangarap” kung saan niya ginampanan ang papel ng isang host. “The role as a host is really my comfort zone, just because I do hosting too. But I actually want to train more on the drama side, or the comedy side, maybe,” ibinahagi niya.
Ngunit mauunsyami pa ito, sapagkat ihinayag na niyang hindi pa siya nagreretiro sa pageantry. Sa isa pang social media post, ipinagbigay-alam niyang naghain na siya ng application para sa Miss Philippines Earth pageant ngayong taon. “I know you guys have been waiting for me to tell you what pageant I am gonna be joining in this year,” ani Aduana.
“I was being completely honest when I told myself that I only wanna be joining pageants that are advocacy-driven, because that is the legacy that I want to leave as a queen. And I was also being 100 [percent] serious when I told my core team back in 2021 that I am going back to Miss Philippines Earth,” ipinagpatuloy niya.
Unang pambansang patimpalak ni Aduana ang 2021 Miss Philippines Earth pageant, na isinagawa nang virtually. Kinatawan niya ang Siniloan, Laguna, at nagtapos bilang runner-up. Napahanga niya ang beauty queenmaker at pageant mentor na si Rodgil Flores mula sa tanyag na “Kagandahang Flores” pageant camp, at kinuha siya.
Bago natapos ang taon, nasungkit na ni Aduana ang korona bilang Miss FIT Philippines. Pagkatapos nito, sumali siya sa Binibining Pilipinas pageant noong 2022 kung saan nakapasok siya sa Top 12, at hinirang pa bilang “Face of Binibini” (Miss Photogenic).
Sinabi ni Aduana na para sa ikaapat niyang pagsalang sa isang pambansang entablado, “I don’t think I’m gonna change much. But I will just stay true to my commitment, passion, and purpose, my transcendental qualities, and elaborate on that.”
Ang hihiranging 2023 Miss Philippines Earth ang siyang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2023 Miss Earth pageant sa Vietnam, at tatangkaing maging ikalimang Pilipinang makasusungkit sa pandaigdigang titulo.