Fil-Am actress Vanessa Hudgens engaged na sa dyowang baseball player

Fil-Am actress Vanessa Hudgens engaged na sa dyowang baseball player

PHOTO: Instagram/@vanessahudgens

KINUMPIRMA ng Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens na engaged na sila ng kanyang boyfriend na baseball player na si Cole Tucker.

‘Yan ay matapos ang isang linggong “engagement rumor” na kumalat sa social media.

Sa Insatagram ni Vanessa, ibinandera niya ang sweet photo nila ni Cole, pati na rin ang suot na emerald-cut na diamond ring.

Caption pa ng Hollywood actress, “YES. We couldn’t be happier.”

Maraming bigating kapwa-celebrities naman ang bumati sa aktres at nagpaabot ng kanilang “congratulatory message.”

Kabilang na riyan sina Lily Collins, Sarah Hyland, Niña Dobrev, Ashley Benson at ang kapatid niyang aktres na si Stella.

Taong 2020 unang napabalitaang nasa “dating stage” ang dalawa matapos makitang magkasama sa Los Angeles.

February 2021 naman nang kumpirmahin nina Vanessa at Cole ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng Instagram post.

Huling naging dyowa ng Hollywood actress ay ang aktor na si Austin Butler sa loob ng walong taon.

Naging boyfriend din niya ang dating ka-love team na si Zac Efron.

Unang sumikat si Vanessa sa 2006 hit musical movie na “High School Musical” na kung saan ay pinagbidahan niya ang karakter bilang si Gabriela Montez.

Para sa kaalaman ng marami, isang Pinay ang ina ni Vanessa na nag-immigrate sa United States at nakapag-asawa ng isang Amerikano.

Related chika:

Liza Soberano eeksena sa Hollywood movie na ‘Lisa Frankenstein’ kasama si Cole Sprouse?

Read more...