Lai Austria binatikos dahil sa caption ng picture nila ni Dingdong, sey ng netizens: 'May makukulong sa banyo' | Bandera

Lai Austria binatikos dahil sa caption ng picture nila ni Dingdong, sey ng netizens: ‘May makukulong sa banyo’

Therese Arceo |February 09,2023
facebook
share this

Lai Austria binatikos dahil sa caption ng picture nila ni Dingdong, sey ng netizens: ‘May makukulong sa banyo’

Therese Arceo - February 09, 2023 - 05:00 PM

Lai Austria binatikos dahil sa caption picture nila ni Dingdong, sey ng netizens: 'May makukulong sa banyo'
USAP-USAPAN ang social media personality at vlogger na si Lai Austria matapos ang malisyosong caption nito sa kanyang larawan kasama ang TV host-actor na si Dingdong Dantes.

Nitong Lunes, February 6 ay nag-post ang vlogger sa kanyang Facebook account ng larawan niya kasama ng aktor nang maging guest contestant ito sa “Family Feud”.

Caption ni Lai, “Wait nyo yung sc*ndal namin”.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang naturang post mula sa mga netizens dahil inappropriate raw ito lalo na’t pamilyadong tao na si Dingdong.

May ilan naman na nagsasabing nagbibiro lamang si Lai lalo na at medyo funny at sexy ang image nito sa social media.

“I hate those girls who cannot respect someone’s relationship. Like gurl, may asawa at anak na yan, pake respect yung relationship nila ni marian,” sey ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “I really am for women empowerment but not this kind of women. Women support women and they shouldn’t be the cause of other’s misery and anxiety. Pamilyadong tao pa ‘yan, huh. Nakakababa ng tingin ang mga babaeng tulad nito whether it’s a joke or not.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lai Austria (@lai.austria)

“HAHAHAHAHAHA feeling ko may makukulong nanaman sa banyo,” hirit naman ng isa.

May mga nakapansin pang dikit na dikit ang hinaharap ni Lai sa katawan ni Dingdong na inamin niyang sinadya niya.

Reply niya sa comment, “Dinikit ko talaga charis! Ahahaha!”

Mukha namang natakot si Lai sa mga komento ng mga netizens lalo na’t talagang matapang at palaban ang asawa ni Dingdong na si Marian Rivera.

Agad niyang pinalitan ang caption ng kanyang post at ginawa itong “Abangan n’yo love team namin mamayang 5:30pm sa Family Feud Philippines”.

Dagdag pa niya, “Isang sc*nd@l lang kasi ang alam n’yo.”

Nagbiro pa nga si Lai sa Kapuso Primetime Queen.

Aniya, “Nananawagan ako kay Ate Marian Rivera ngayon araw lang. Wag ka mag-alala Ate Marian Rivera ikaw thanks GOD ako thanks DOC at least parehas my O at D.”

Ngunit may bago na naman itong Facebook post kung saan makikita ang larawan niya habang nakahiga sa kama at kumakain ng chichirya na kapangalan ng asawa ni Marian.

“Ang sarap mo,” chika ni Lai sa kanyang caption.

Related Chika:
Dingdong Dantes, Charo Santos magsasama sa isang pelikula

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Amy Austria namasukang ‘kasambahay’ sa edad na 5; teenager pa lang sumabak na sa pagpapaseksi

Dingdong Dantes proud maging ‘honorary member’ ng PMA ‘Sanghaya’ Class 2000

Marian Rivera magbabalik showbiz sa 2024; Ibinunyag ang sikreto sa matibay na relasyon nila ni Dingdong Dantes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending