#MayForever: Bitoy muling ikinasal sa misis kasabay ng 25th wedding anniversary

#MayForever: Bitoy muling ikinasal sa misis kasabay ng 25th wedding anniversary

PHOTO: Instagram Stories/@briannayanni_

MULING pinatibay ang pagmamahalan ng comedian-actor na si Michael V. at ng kanyang misis na si Carol Bunagan!

Ikinasal kasi ulit ang mag-asawa sa harap ng simbahan bilang pagdiriwang ng kanilang 25th wedding anniversary.

Sa Instagram, Ibinandera mismo ni Bitoy ang litrato ng kanyang asawa na nakasuot ng wedding gown.

Caption pa niya, “My definition of “a stunning bride”. I love you @ayoito! Happy Silver Anniversary!”

Pero bago ‘yan, two days ago ay nagsabi na ang komedyante na tila excited na siyang muling ikasal.

Sey niya sa naunang IG post, “Can’t wait to marry you again.”

Ilan sa mga imbitado sa kanilang kasal ay ang singer-actor na si Ogie Alcasid na ibinandera ang litrato ng mag-asawa.

Ayon kay Ogie, biyaya para sa kanya na matuklasan ang 25 years na pagmamahalan ng dalawa.

“Happy 25th anniversary mare at pare!! Such a blessing to witness your journey for the past 25 years. Love you both,” saad sa IG post ng singer.

May post din ang aktres at katambal ni Bitoy sa “Pepito Manaloto” na si Manilyn Reynes at sinabing isa sa mga iniidolo niyang couple ang mag-asawa.

Caption niya sa IG, “We all look up to you. Like I said, you are our LODI na COUPLE [red heart emoji]”

Mensahe pa niya, “Dami talaga naming natututunan sa inyo.

“May God continue to bless you and your children, and may He strengthen your marriage even more.”

“May He shower you with more blessings, success, happiness, love and healthy years together [red heart emoji] Happy 25th Wedding Anniversary uli sa inyo, Bitoy and Mareng Ayoi [kiss emojis] Mahal namin kayo [happy face with hearts emoji,” aniya.

Matatandaan noong 1994 nang unang ikinasal sina Bitoy at Carol sa pamamagitan ng isang civil ceremony.

Nagkaroon din sila ng church wedding noong 1998.

Noong 2019 ay ikinasal din sila bilang pagdiriwang ng 25th civil wedding anniversary.

May apat silang anak na sina Yanni, Milo, Migo at Maypaul.

Related chika:

Matteo Guidicelli pinuri si Sarah: She went against all odds for me

Read more...