Kiko Rustia sa panunumbat daw ni Willie sa mga taong natulungan niya: 'Wow, siya pa ang inapi?' | Bandera

Kiko Rustia sa panunumbat daw ni Willie sa mga taong natulungan niya: ‘Wow, siya pa ang inapi?’

Ervin Santiago |February 09,2023
facebook
share this

Kiko Rustia sa panunumbat daw ni Willie sa mga taong natulungan niya: ‘Wow, siya pa ang inapi?’

Ervin Santiago - February 09, 2023 - 11:17 AM

Kiko Rustia sa panunumbat daw ni Willie sa mga taong natulungan niya: 'Wow, siya pa ang inapi?'

Willie Revillame at Kiko Rustia

MATAPANG na naglabas ng saloobin ang TV host na si Kiko Rustia sa bagong kontrobersiyang kinasasangkutan ni Willie Revillame.

Sa mga hindi pa masyadong aware,  unang nakilala si Kiko nang maging contestant siya sa reality show ng GMA 7 na “Survivor Philippines”.

Naging host din siya ng Kapuso documentary program na “Born To Be Wild” at kasalukuyang nanunungkulan bilang konsehal sa Pasig City.

Kahapon, February 8, isa si Kiko sa mga naglabas ng saloobin tungkol sa mga naging pahayag ni Willie hinggil sa mga taong natulungan niya noon na nangnenega sa kanya ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiko Rustia (@kikosapasig)


Nag-react si Kiko sa naging pasabog ni Willie about some showbiz personalities na tinawag niyang walang utang na loob na pagkatapos niyang tulungan ay titirahin pa siya ngayon.

“Wow. Sya pa ang inapi? This reaction actually says more about who he really is,” ang simulang banat ni Kiko sa veteran TV host.

“Instead of humility and being sorry about his shortcomings, eto pa makukuha natin,” aniya pa.

Sa kanyang Twitter account naman, sinabi ni Kiko na hindi na raw sana isinumbat ni Willie ang mga ginawa niyang pagtulong sa kanyang kapwa.

“Instead of humility and being sorry for his shortcomings and faults…sya pa ang nag banta at nanumbat. Thats a whole new level right there.

“Eto ba yung tunay na tao na nakatago sa likod ng mukhang pinapakita kapag ‘tumutulong’ at ‘nagpapasaya’?

“Sorry, but no one owes you anything. Ang pagtulong ay kailan man hindi sinusumbat.

“Pero kung tutuusin, it is you who owes everyone EVERYTHING for helping you become the rich, influential, and powerful man that you are today.

“Best take time to reflect and check yourself,” ang matapang na pahayag ng dating Kapuso host.

Pahabol pa niya, “You are now threatening to use your money, power, and influence against people who are calling you out for your duplicity.

‘But again- where was this energy when 11,000 workers needed you most? Where was this determination when the network that gave you ur big break needed you?” aniya pa.

Nag-ugat nga ang kontrobersya nang talakan ni Willie ang mga taong nangwawasak daw sa kanya at sa programa niyang “Wowowin, “Tumingin kayo sa inutangan niyo ng utang na loob dahil ako, marunong ako (tumanaw) ng utang na loob.”

Agot, Nikki naglabas ng saloobin sa pang-iisnab ng MMFF 2022 jurors sa ‘Family Matters’, pero feeling winner pa rin

Angel ‘superhero’ ni Liza: I really wanted a job that could help people…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#SanaAll: Kiko ibinandera ang paglalambing sa asawang si Sharon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending