Love Añover magpapasabog ng good vibes sa ‘Love and Everythaaang!’ ng NET25

Love Añover magpapasabog ng good vibes sa 'Love and Everythaaang!' ng NET25

Love Añover

DADALHIN ng NET25 ang pagmamahal sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng pinakabagong talk show nito, ang “Love and Everythaaang!” kasama  ang award-winning personality na si Love Añover.

Kilala si Love sa kanyang pagiging masayahin, matalino at kakayahang makihalubilo sa mga manonood. Ang mga katangiang ito ang magbibigay-buhay sa “Love and Everythaaang!” na ang tanging hangarin ay ang magbigay inspirasyon sa mga tao.

Ayon kay Love, “This show will be able to inspire people to live and appreciate how beautiful life is, na bawat isa sa atin ay may power at skill within us that can and will get us through life no matter the circumstance will be.”

Excited din si Love dahil ito ang kanyang first Radio-TV show. Labis ang kanyang pasasalamat sa NET25 management dahil sa regalong ito na ibinigay sa kanya  lalo na’t ise-celebrate niya ang kanyang kaarawan ngayong Pebrero.

“Thankful ako sa NET25, na kabilang ang pangarap ko na ito sa kanilang regalo sa akin. Ipinapangako ko naman na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para magawa ang responsibilidad na ito nang maayos at makabuluhan”, dagdag ni Love.


Nagpahayag din siya ng kanyang pasasalamat sa lahat ng kanyang kaibigan na walang tigil na naniniwala sa kanya.

Inamin din niya na nahasa ang kanyang kakayahan at talento dahil sa suporta ng production team at ng kanyang mga mentor, isa na rito ang award-winning na mamamahayag na si Cheche Lazaro.

“I mean, Team LOVE and EVERYTHAANG! is a dream team for me. Sila ‘yung mga taong nakatrabaho ko na, kakilala at sa haba nang pagsasama ay naging mga matatalik ko nang kaibigan mula pa sa Probe Productions, Inc. ni Ms. Cheche Lazaro.

“The values and skills sa paggawa ng mga programa at pagbuo ng mga istorya, ay dala-dala namin hanggang sa ngayon na nakuha namin sa Probe, at babaunin namin siguro magpakailanman,” aniya.

Tampok sa “Love and Everythaaang!” ang iba’t ibang  panauhin, mula sa mga aktor at musikero, hanggang sa mga content creators at negosyante. Nangangako ang programa na magbibigay ito ng bagong pananaw sa mundo.

Samantala, masayang tinatanggap ni NET25 President Caesar R. Vallejos si Love bilang bahagi ng lumalaking pamilya ng network. Inamin din niya na isa siya sa mga tagahanga nito.

Aniya, “Personally, I am also a fan of hers because of her reports with the Probe Team. It was her line “my English is limited edition” na hindi ko makakalimutan.”

Dagdag pa ni Vallejos, “We also have an aligned vision with her brand – to continue giving laughter and hope to Filipinos not only here in the Philippines but in different parts of the world.”

Sabay na mapapanood sa NET25 at mapapakinggan sa Radyo Agila ang “Love and Everythaaang” simula sa Pebrero 13, Lunes, 11 a.m..

Mapapanood ang NET25 sa mga sumusunod na channels: Channel 28 (digital free TV), 25 (Analog free TV), 18 (Skycable), 17 (Cablelink), 14 (Cignal), 18 (destiny), 25 (Satellite), at 38 (G-Sat).

Love Añover nag-resign na sa GMA makalipas ang 2 dekada bilang Kapuso, lilipat daw sa ibang TV network?

Korina Sanchez ibinuko si Mar Roxas: Gusto niyang role ngayon sa buhay ay tatay nina Pepe and Pilar

Ogie Diaz kay Alex Santos: Gusto kaya n’ya ang ginagawa n’ya?

Read more...