MARAMI ang nangangarap makapasok sa Hollywood, ang global entertainment capital sa Estados Unidos kung saan umusbong ang karera ng napakaraming sikat na artista. At inamin ng Pilipinong shoemaker na si Jojo Bragais na nais din niyang makibahagi sa tagumpay na maihahandog ng Tinseltown.
Ngunit hindi mo pa siya makikitang umaarte sa harap ng camera. Sinabi ng Bicolano na nais niyang makitang suot ng mga nasa Hollywood ang mga likha niya. “That is the dream. Our goal is to showcase globally. It will take long, around three to five years, but there’s no harm in dreaming,” sinabi ni Bragais sa Inquirer sa isang online interview.
Nauna na niyang ibinunyag na pinakapinapangarap niya noon bilang isang negosyante ang makapag-sponsor sa Miss Universe pageant. Ngunit nang natupad ito nang mas maaga sa inaasahan niya, sinabi ni Bragais na nakaramdam siya nang pagkaligaw. “I have already achieved my dream, so what’s there to work for?” aniya.
Ngunit lumalabas na nakatagpo si Bragais na isang bagong mithiin makaraang makilala sa buong mundo bilang official competition shoe provider ng ika-69 at ika-71 edisyon ng Miss Universe pageant.
Makaraan ang katatapos na patimpalak na itinanghal sa New Orleans, Louisiana, sa US nitong Enero, tumulak siya pa-California upang makiramdam sa kalakaran sa Hollywood. Nakasalamuha na niya ang ilang mga artista, kabilang si Kevin Dias mula sa patok na Netflix series na “Emily in Paris.”
Ngunit habang tinatahak ni Bragais ang landas na inaasahan niyang maghahatid sa kanya sa kinabukasang inaasam niya para sa kumpanya, hindi pa rin siya nakalilimot na lumingon sa pinanggalingan. Bilang ganti para sa pandaigdigang tagumpay niya, muli siyang magsasagawa ng isang online contest na may premyong P20,000.
“Every year I always want to do something to give back to pageant fans. They make the pageant world so much fun. Without the fans, no queens or pageant will be successful. And I wanna do something also that pageant fans could enjoy such as this simple online contest,” ani Bragais.
Upang makasali, inaanyayahan ang mga tagahanga na gumawa ng TikTok video na 30 hanggang 60 segundo ang haba, na ipinakikilala ang sarili na tila isang kandidata (binabanggit ang pangalan, edad, at lugar), at ipinamamalas ang pagrampa suot ang Bragais Shoes. Hanggang Peb. 14, Araw ng mga Puso, tatanggapin ang mga bidyo.
“Bragais Brand understands the feelings of the pageant fans, and we appreciate them—their creativity, the passion, the love and efforts they are giving in the pageant world in general,” ipinaliwanag niya.
Makakasali rin sa susunod na ad campaign ang magwawagi. “I want the fans to be represented. I want the winner to have a glimpse inside the real happenings in the pageant scene not just what they see on social media or TV. There is nothing more fulfilling to a fan that to meet their idols in the industry. I will find ways to make this possible,” aniya.
Sinabi ni Bragais na napagtanto niyang may ibang kahulugan ang tagumpay makaraan ang sponsorship niya sa Miss Unvierse pageant. “I just wanna be able to give more meaning in the products that we will be releasing moving forward,” aniya.
“I want to make an impact on the lives of people, most especially those who will wear my creations. I want the inspirations behind the creations to uplift people and represent them, making them feel like they are seen and understood in ways I could,” pagpapatuloy ni Bragais.