Jessy, Luis ibinandera ang mga pinagdaanan nang ipanganak si Baby Peanut: 'This is the start of another journey' | Bandera

Jessy, Luis ibinandera ang mga pinagdaanan nang ipanganak si Baby Peanut: ‘This is the start of another journey’

Ervin Santiago |February 06,2023
facebook
share this

Jessy, Luis ibinandera ang mga pinagdaanan nang ipanganak si Baby Peanut: ‘This is the start of another journey’

Ervin Santiago - February 06, 2023 - 02:48 PM

MAHIGIT isang buwan na mula nang isilang ni Jessy Mendiola ang panganay na anak nila ni Luis Manzano na si Isabella Rose o Baby Peanut.

Sa unang pagkakataon, naglabas na ng isang vlog ang mag-asawa sa kanilang YouTube channel kung saan bidang-bida na nga ang kanilang first baby.

Mapapanood sa video ang ilang mga naging kaganapan sa pagle-labor ni Jessy sa ospital noong December 28, 2022 hanggang sa makapanganak na.

“Nandito kami sa hospital kasi si Peanut ay lalabas na. Scheduled CS ako dahil may two cord coil si Peanut and sbi ng OB ko it’s safer that way kasi siyempre ayaw natin i-risk.

“And of course since first baby ko, medy mahirap makalusot si Peanut,” pagbabahagi ni Jessy.

Aniya pa, “So may tendency na siyempre pag pinilit ko siyang lumusot, sisikip ang cord coil niya so mas mahihirapan siya. December 28 ang birthday ni Peanut. Ready, ready lang and dasal, dasal. Excited!”

Ipinakita rin ang first-time mom habang dinadala sa neonatal instensive care unit ng hospital kung saan niya isinilang si Peanut. Nasa labas naman ng neonatal ICU si Luis at halatang excited at kinakabahan sa panganganak ng asawa.

“Pinaantay ako dito sa consultation room. Eto na! Magiging family of three na kami.

“Maya-maya, magigng erpat na ako. Wow! Madali to take it lightly, habang nandu’n pa sa tiyan ni Howhow.

“Pero yung alam mong nalalapit na mayayakap mo na and nandu’n na yung life talaga, wow!” sey ni Luis.

“But first and foremost yung health ni Howhow ang importante sa akin. I’m praying everything goes smoothly para kay Howhow.

“Hoping and praying that Peanut is in the best of health. Wala eh, hindi ka makaka-prepare para sa moment na ‘to eh.

“Vlog ni Howhow ito pero ako yung dumadaldal eh. Dahil siguro nagiging anxious ng konti.

“But eto na, this is what we prepared for. This is the start of another journey.

“Kumbaga dito na papasok yung hard work bilang magulang. Realign a lot of things na nga sa buhay, so eto na,” tuluy-tuloy na chika ni Luis.

Ilang araw matapos isilang si Baby Peanut, nagbahagi na sina Jessy at  Luis ng ilang litrato ng sanggol. Nag-stay daw silang pamilya sa hospital hanggang mag-New Year.

“Dito kami magnu-New Year. Para lang ma-monitor nang mabuti si baby girl Isabella Rose. Yan si Howhow sobrang in love, naiyak siya kagabi. Pero aminin na niya na kamukha talaga niya,” kuwento ni Jessy.

At nang maiuwi na nga ng celebrity couple si Baby Peanut noong January 2, ang unang-unang bisita nila ay ang lola ng bata na si Vilma Santos-Recto na talaga namang tuwang-tuwa nang masilayan at makalong ang apo.

Related chika:

Anne may napatunayan nang isilang si Baby Dahlia: Totoo pala ‘yon, mas spoiled pa ang apo!

Jessy Mendiola, Luis Manzano magkaka-baby girl na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Luis rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya sa pagiging magulang: ‘Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending