David Licauco kailangang magpagamot dahil sa ‘sleep apnea’: It’s scary talaga, I’ll get an operation soon

David Licauco kailangang magpagamot dahil sa 'sleep apnea': It's scary talaga, I'll get an operation soon

David Licauco

KUNG titingnan ang physical appearance ng Kapuso hunk actor na si David Licauco ay talagang fit na fit at super healthy.

Pero knows n’yo ba na meron pala siyang iniindang karamdaman na kailangang ipagamot sa mga espesyalista?

Ibinalita ng “Maria Clara at Ibarra” star na nakararanas siya ngayon ng sleep apnea, na isang uri ng serious sleeping disorder.

In fairness, talagang hindi mo iisiping may sakit pala si David dahil nga sa kanyang pagiging health buff with matching muscles and abs pa.


Kuwento ng aktor at leading man ni Barbie Forteza sa “Maria Clara at Ibarra”, kailangan daw niyang magpaopera para sa kanyang sleep apnea na isang kundisyon kung saan tumitigil ang paghinga ng isang tao kapag ito ay tulog.

“It’s scary talaga ‘yung, sleep apnea. It’s been my insecurity since it started when I was 16 years old so it’s been 11 years.

“‘Yung sleep apnea, basically, my breathing stops. It’s about 30 seconds straight about 24 times in an hour when I’m sleeping obviously,” ang pagbabahagi ni David sa panayam ng GMA Network.

Ayon sa isang health website, ilan sa karaniwang sintomas ng sleep apnea ay fatigue dahil hindi nga maayos ang tulog, ang pagiging iritable at daytime drowsiness.

Dahil dito, humingi ng paumanhin si David sa lahat ng mga nasungitan niya nang dahil sa kanyang health condition.

“So, the next day, bad mood ka. Nasaan ako? Nasa showbiz industry ako and easy to judge, ‘di ba? So sa lahat ng nasungitan ko, alam n’yo na siguro kung bakit.

“Actually sa gabi lang umaayos ‘yung mood ko e. Siguro kailangan mo rin talaga mag-warm up, e.

“Kumbaga ‘yung brain ko matagal siyang nagwa-warm up as compared to others so bukas pupunta kami ng mom ko sa doctor to have a check up again.

“I’ll probably get an operation soon ’cause hirap na hirap na ako,” aniya pa.

David Licauco: Kailangan ko talagang mas maging good looking, mas gumaling sa pag-arte

Pia sa netizen na nawalan na ng confidence dahil hindi pumapayat: You are beautiful!

Ai Ai super healthy, seksing-seksi sa edad na 57; 6 years nang lumalafang ng organic at gluten-free

Read more...