Vice Ganda, Kathryn humakot ng awards sa 5th Gawad Lasallianeta; Daniel Padilla, Anne Curtis winner din
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Vice Ganda, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Anne Curtis
MAITUTURING pa ring “most influential” celebrity ng ABS-CBN ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda at ang award-winning actress-young entrepreneur na si Kathryn Bernardo.
Nanguna sina Vice at Kathryn sa mga Kapamilya personality na nakakuha ng pinakamaraming parangal sa naganap na 5th Gawad Lasallianeta kamakailan.
Apat ang nakuhang awarda ni Vice kabilang na ang Most Outstanding Social Media Personality, Most Influential Multimedia Filipino Celebrity, Most Outstanding Twitter Influencer, at Outstanding Entertainment Show Host.
Ibinoto naman ng Lasallian community si Kathryn bilang Most Influential TV Filipino Celebrity, Most Outstanding Brand Endorser, at Most Outstanding Actress in a Drama Series para sa “2 Good 2 Be True.”
Ang kanya namang leading man sa serye at boyfriend na si Daniel Padilla ang nakasungkit ng parangal bilang Most Outstanding Actor in a Drama Series.
Pinarangalan din ang ABS-CBN ng administrators, faculty, staff, mga mag-aaral, at mga magulang ng De La Salle Araneta University (DLSAU) bilang Most Outstanding Media Company.
Ang “It’s Showtime” ang nagwagi bilang Most Outstanding Variety Show, habang si Anne Curtis ang nanalong Most Outstanding Variety Show Host.
Sa larangan ng news and current affairs, nagwagi ang TeleRadyo bilang Most Outstanding Digital Radio Station, habang ang mamamahayag at “Sakto” host na si Jeff Canoy ang nanalong Most Outstanding Male News Correspondent.
Nag-uwi rin ng parangal ang “TV Patrol” anchors na sina Karen Davila at Noli de Castro sa 5th Gawad Lasallianeta. Kinilala si Karen bilang Most Outstanding Female News Anchor, habang Most Outstanding Public Affairs Show Host para sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” si Kabayan Noli.
Layunin ng Gawad Lasallianeta na parangalan ang mga natatanging media at public communicators sa bansa. Isang university-wide survey kabilang ang DLSAU administrators, staff, faculty members, parents, at students ang kanilang ginawa noong Nobyembre 2022 upang matukoy ang mga winner sa iba’t ibang kategorya.