Kakai ilusyunada, sey ng bashers: ‘Aminin na natin, nali-link sa akin mga guwapo…siguro hindi nila kaya yung confidence ko!’

Kakai ilusyunada raw sey ng bashers: 'Aminin na natin, nali-link sa akin mga guwapo...siguro hindi nila kaya yung confidence ko!'

Kakai Bautista

“ILUSYUNADA.” Ganyan kung ilarawan ng mga bashers at haters ang comedienne-singer na si Kakai Bautista.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nangnenega at nang-ookray sa komedyana, ang kapal daw kasi ng mukha niyang mag-post ng mga swimsuit at bikini photos sa social media kahit hindi raw kagandahan ang katawan niya.

Pero sa kabila nito, “unbothered” pa rin si Kakai sa mga body shamers dahil wala raw siyang pakialam sa mga ito kahit ano pa ang ibatong masasakit na salita laban sa kanya.

“Aminin na natin na-li-link sa akin na mga guwapo, di ba?” ang natatawang chika ng dalaga sa panayam ng “Magandang Buhay” last Friday, February 3.

Yan daw siguro ang dahilan kung bakit tinatawag siyang ilusyunada. Feeling ni Kakai, maraming naiinggit at pumupuna sa kanya dahil sa taas ng kanyang self-confidence.

“Nasasabi talaga kahit hanggang ngayon ilusyonada kasi siguro hindi nila kaya yung confidence ko. Na-intimidate sila sa confidence na meron ako,” chika ni Kakai.

Hirit pa ng komedyana, “Hindi na nga ako masyadong maganda, hindi pa ako confident. Anong mangyayari sa akin? Lugmok ba?”


Tinuksu-tukso pa ng mga host ng programa na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros si Kakai sa pagkaka-link sa kanya noon sa Thai actor na si Mario Maurer at sa hunk actor-model na si Ahron Villena.

Pero tumanggi nang magkomento si Kakai about them. Pero inamin nga niya na kahit napakarami nang sumusuporta sa “no to bodyshaming” campaign sa socmed, kabilang na ang mga sikat na celebrities, meron pa ring mga taong grabe kung makapintas at makapanlait ng kanilang kapwa.

“Hanggang ngayon, kahit may mga simpleng pinu-post, ilusyunada, magtu-two-piece ba ako, o mga ganon. Sasabihin nila lagi, ‘Ilusyonada,’ Bakit?”

“Ang sinasagot ko lang palagi, ‘Wag mong isisi sa akin ang mga bagay na di mo kayang gawin, di ba?

“’Kaya mo lang bini-blame sa akin yan kasi hindi mo kayang gawin. Subukan mo kaya?’” mariin sabi ni Kakai.

Samantala, sa ngayon daw ay mas relaxed na siya pagdating sa estado ng kanyang buhay, “May balur (bahay) na kami, so medyo mas kalmado na ako ngayon, kumbaga.

“Kasi okay na yon e. Yun ang pangarap ng pamilya ko,” sey pa ng dalaga.

Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless

Kakai: Marami nang nag-betray sa akin pero wala namang pa-screen grab!

Kakai Bautista: ‘Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin

Read more...