R’Bonney Gabriel nagkaroon ng ‘identity crisis’ sa pagiging half-Pinoy, wish na makapunta sa Pinas this year

R’Bonney Gabriel nagkaroon ng ‘identity crisis’ sa pagiging half-Pinoy, wish na makapunta sa Pinas this year

KAHIT pambato ng USA ang nagwagi ng Miss Universe, feeling winner pa rin ang Pilipinas dahil may dugong Pinoy ang bagong reyna ng kompetisyon na si R’Bonney Gabriel.

At para makilala pa natin siya nang mabuti, nakapanayam mismo ng entertainment correspondent na si Nelson Canlas si Miss Universe 2022.

Ang naging topic sa latest podcast na Updated with Nelson Canlas ay “How Pinoy is our Queen.”

Isa sa mga naitanong ni Nelson ay kung ano-ano ang mga kinalakihan niya sa Amerika bilang half Pinoy.

Ang sagot ng beauty queen, marami siyang kamag-anak na mga Pilipino sa Amerika kaya hindi rin nawala ang mga tradisyon, lalo na pagdating sa mga handaan at espesyal na okasyon.

“My Father’s from the Philippines. So I grew up on a lot of family gatherings and you know, we have the lechon at the table and every time we have a birthday, my family will get together.,” sey ni R’Bonney.

Kwento niya, “I have a big Filipino family in Texas and in California. My titos and titas are always funny, you know, Filipinos are always joking, always happy and bring so much joy. So I grew up with those traditions.”

Gayunpaman, inamin ng Miss Universe na may mga panahon na nakakaranas siya ng “identity crisis” dahil sa kanyang lahi.

“I’m only half. My Filipino family maybe jokes with me sometimes because I don’t know everything or I can’t speak too much Tagalog,” saad niya.

Pero nandyan naman daw lagi ang kanyang pamilya at kamag-anak na lagi siyang ginagabayan.

“But it will always be a joke if I don’t know something but they teach me some things growing up, like how to eat or foods to try even,” saad ng beauty queen.

Nabanggit pa ni R’Bonney na kahit mas madalas siyang ma-expose sa American food bilang ang kanyang ina ang madalas na nagluluto sa kanila, ang pinakagusto pa rin niyang kainin ay ‘yung pagkaing Pinoy.

“For me, I really love Filipino food, but I don’t eat meat. So I’m big on the bakery sweets. So I’m about to introduce people to mamon or ensaymada,” chika niya.

Sinabi pa ni R’Bonney na namimiss na niyang bumisita ng Pilipinas kaya umaasa siya na makapunta dito ngayong taon.

Kwento ng Miss Universe, “I was able to go every couple of years in summer time. The last time I was there was in 2018, so it’ been a while and I would love to go back…I’m hoping we can make it happen this year.”

At siyempre, hindi rin nawala ang latest update niya bilang bagong reyna ng Miss Universe at sinabing hanggang ngayon ay naga-adjust pa rin daw siya sa mga pagbabago na nangyari sa kanyang buhay.

Saad niya, “Well, I moved directly to New York the day after winning. It was very fast and now I’ve been here in New York for a couple weeks now and a lot has changed.”

Dagdag pa niya, “I’m still adjusting to everything. I’m really busy doing interviews and it’s great to have a team now to work with, that helps manage me.

“I’m definitely a lot busier than ever and I had a lot more exposure. This is a huge platform and opportunity. So I’m looking forward to the year to see all the opportunities that it may bring,” aniya.

Related chika:

Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel proud sa pagiging Pinoy: Mabuhay Philippines! Maraming, maraming salamat sa lahat ng tulong n’yo!

Read more...