Miss Universe crown maker kasali na sa pageant org bilang advisor

Miss Universe crown maker kasali na sa pageant org bilang advisor

Fred Mouawad/ANNE JAKRAJUTATIP FACEBOOK PHOTO

NAKAPAG-SPONSOR na ng dalawang korona para sa Miss Universe pageant mula noong 2019 si Fred Mouawad, pinakabago iyong ginamit para sa edisyon ng 2022 na itinanghal nitong Enero lang. Ngayon, higit pa sa sponsorship ang pagkakaabalahan ng negosyante sa pandaigdigang patimpalak.

Ibinahagi sa Facebook ni Anne Jakrajutatip, may-ari ng Miss Universe Organization (MUO), ang mga bagong kasapi ng Miss Universe management team, kung saan kasali si Mouawad bilang “honorary advisor.” Nakasaad sa social media post na para sa New York at Thailand ang apat na bagong opisyal.

Taga-Bangkok si Jakrajutatip, may-ari ng Thai conglomerate na JKN Global Group, habang nasa New York City sa Estados Unidos naman ang tanggapan ng MUO.

Si Nishita Shah ang head ng global strategy and partnership. Nakasaad sa post ni Jakrajutatip na isa siyang CEO sa isang multinational conglomerate and public company na may mahigit 15 taong karanasan sa “logistics, pharmaceuticals, aviation, and technology across Asia, Africa, and the Middle East.”

Nakabase sa New York at Bangkok si Shah, na sinasabing “dedicated to building effective relationships and providing support to stakeholders, senior management teams, and board of directors.”

MUO owner Anne Jakrajutatip (kanan) at Fred Mouawad/ANNE JAKRAJUTATIP FACEBOOK PHOTO

Isinali naman bilang head ng global franchising and experiences si Dr. James Mabey, na sinasabing nanguna at nangasiwa ng “hotel and real estate projects in over [36] countries.” Tinukoy din sa social media post ang talas niya sa mga wikang English, Mandarin, Thai, Laotian, at Spanish, at inulat ang tagumpay niyang negosasyon ng “more than 300 franchise agreements in 28 countries managing over [$40 billion] worth of franchise assets.”

Sinabi ni Jakrajutatip na kikilos si Mabey “in localizing the systems and getting the governments on board to support.”

Pangungunahan naman ang global operations ng MUO ni Natalie Frank, na sinasabing “founded, led, and successfully exited [two] startups, contributed to [three] exits, in addition to serving on [three] startup boards over the last 15 [plus] years.”

Sinasabing kinikilala si Frank bilang isang “leader in digital transformation and connected work,” na may “successful track record leading teams and launching new companies and products within fast growing entrepreneurial environments in the high technology sectors.”

Nang bilhin ni Jakrajutatip ang MUO, kasama ang Miss Universe, Miss USA, at Miss Teen USA noong Oktubre, naglatag siya ng malawakang plano upang pasiglahin ang 70-taong-gulang na patimpalak.

Nauna na niyang binanggit na mayroon nang host countries ang Miss Universe pageant para sa mga edisyon ng 2023, 2024, at 2025. Nakatakdang koronahan ni reigning queen R’Bonney Gabriel ang tagapagmana niya sa El Salvador bago matapos ang taon.

Read more...