Chiz Escudero inulan ng tukso sa Senate session, nag-iba raw ang aura dahil kay Heart: ‘We believe in second chances’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Heart Evangelista at Chiz Escudero
INULAN ng “panunukso” si Sen. Chiz Escudero mula sa mga kapwa niya senador sa pagsisimula ng Senate Session 45 kahapon, February 1.
Nagkabiruan ang mga mambabatas sa ginawa nilang pagwe-welcome kay Sen. Chiz na nagbakasyon sa Japan kamakailan kasama ang asawang si Heart Evangelista at ang dalawa niyang anak.
In fairness, mukhang updated ang mga kasamahan ni Sen. Chiz sa Senado partikular sa napabalitang paghihiwalay umano ng mambabatas at ng kanyang misis na Heart.
Kahapon nga, sa naganap na Senate Plenary Session, bigla na lang tumayo si Sen. Grace Poe at nagbigay ng mensahe na aniya’y walang kinalaman sa mga tatalakayin nilang panukalang-batas.
Aniya, may konek ang sasabihin niya kay Sen. Chiz Escudero, “Mr. President, together with each and every member of this body, I would like to warmly welcome our colleague and my seatmate, Senator Chiz.
“First time in a long time we’ve seen that smile on his face, with a wonderful aura. And I think if there’s anything we learn from this is love is worth fighting for,” ang nakangiting pahayag ni Grace Poe.
Hirit naman ni Senate President Migz Zubiri, “That’s the reason why we suspended the session because I want to go down and give a big hug to our dear friend and classmate in Congress, our idol. We believe in second chances.”
Sinegundahan din ito ni Sen. Joel Villanueva at nag-dialoguepa ng, “And Mr. President, we Heart, Chiz.”
Hindi rin nagpahuli sa biruan si Senate President Pro-Tempore Loren Legarda, “I just want to signify my support to the statement made by Senator Poe. And we see a different aura of our good friend from Bicol, Governor, Senator Escudero.”
Sey uli ni Sen. Zubiri, “We are all happy for you. Let’s put that on record. This whole session floor is happy for our dear colleague.”
Matatandaang naging malaking issue ang umano’y paghihiwalay nina Chiz at Heart noong August, 2022.
Hindi na raw kasi suot ng Kapuso actress ang kanyang wedding ring at tinanggal din niya ang Escudero sa kanyang Instagram handle.
Ngunit pagsapit ng December 26, 2022, nag-post si Heart sa IG bago umuwi ng Pilipinas galing Paris at sinabing, “Ps See you soon @escuderochiz.”
Magkasama rin silang nag-celebrate ng New Year at nito nga lang January ay nagpakaligaya naman sila Japan at Paris.