Paolo umiiyak na nag-message sa inang may sakit: 'Sorry for everything, sorry sa mga kalokohan at kapalpakan ko' | Bandera

Paolo umiiyak na nag-message sa inang may sakit: ‘Sorry for everything, sorry sa mga kalokohan at kapalpakan ko’

Ervin Santiago |January 31,2023
facebook
share this

Paolo umiiyak na nag-message sa inang may sakit: ‘Sorry for everything, sorry sa mga kalokohan at kapalpakan ko’

Ervin Santiago - January 31, 2023 - 12:14 PM

Paolo umiiyak na nag-message sa inang may sakit: 'Sorry for everyhing, sorry sa mga kalokohan, mali at sa mga palpak'

Paolo Contis (Photo from GMA 7 YouTube)

NAPAKASAKIT ng pag-iyak ng controversial Kapuso actor na si Paolo Contis nang humingi ng tawad sa kanyang inang may sakit.

Talagang bumuhos ang luha ng aktor nang magkuwento tungkol sa naging relasyon niya sa pinakamamahal na nanay nitong mga nagdaang taon.

Sa ikalawang bahagi ng panayam sa kanya ng Kapuso program na “Fast Talk with Boy Abunda”, inamin ni Paolo na may mga pangako siya sa yumaong ama na hindi niya natupad, kabilang na ang pag-aalaga sa kanyang ina.

Kuwento ni Paolo, bago raw siya sumalang sa panayam ni Boy Abunda ay dinala muna nila sa ospital ang ina. Okay naman daw ang kundisyon nito ngayon pero kailangan pang sumailalim sa ilang medical test

Ang kapatid daw muna niya ang nagbantay sa kanilang ina habang isinasagawa ang interview sa kanya ng “FTWBA.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


Sa isang bahagi ng panayam ay hindi na napigilan ni Paolo ang maiyak nang tanungin ni Tito Boy kung ano ang mensahe niya sa ina.

“I love you. I promise nung nawala si papa na I’ will take care of you. Pangako ko ‘yun na habambuhay kitang aalagaan and somehow I failed.

“Maging ok ka lang dire-diretso bago ka mawala ipapakita ko sa’yo yung pagbabago ko. Totoo ‘yon,” pahayag ng aktor.

Rebelasyon pa ni Pao, “Ipinangako ko kay papa na bago mawala si papa,  sinabi niya na you take care of your mom. During that time na maysakit si papa, hindi kami ok ni mama. Kami ni papa nagkikita kami sa labas.

“Sabi niya (tatay), ‘never hate your mom, you take care of your mom.’ I hope now its enough eventually sana makita ni mama na lahat naman ng kaya…

“Sorry for everyhing. Sorry sa mga kalokohan, mali, sa mga palpak. Sorry for hating the fact na minsan sinasamahan mo ko sa taping.

“Lahat ‘yon na-appreciate ko ngayon, lahat. Lalo na nang hindi na siya nakakalakad, naa-appreciate ko lahat ‘yon,” ang mensahe pa ni Pao sa kanyang nanay habang patuloy ang pagluha.

Sa nasabi ring episode ng “Fast Talk” diretsahang inamin ni Paolo na totoong girlfriend na niya ngayon si Yen Santos pero ipinagdiinan niya na hindi ang aktres ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes.

Napatawad na nga ba ni Bimby ang amang si James Yap?

Yasmien Kurdi umiiyak na humingi ng paumanhin sa ‘Las Hermanas’ production

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anak ni Andrew Schimmer humingi ng tulong para sa inang nasa ICU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending