Yllana Marie Aduana nase-sepanx sa korona bilang Miss FIT PH | Bandera

Yllana Marie Aduana nase-sepanx sa korona bilang Miss FIT PH

Armin P. Adina |January 31,2023
facebook
share this

Yllana Marie Aduana nase-sepanx sa korona bilang Miss FIT PH

Armin P. Adina - January 31, 2023 - 12:15 PM

Reigning Miss FIT Philippines Yllana Marie Aduana

Reigning Miss FIT Philippines Yllana Marie Aduana/ARMIN P. ADINA

NASUNGKIT ni Yllana Marie Aduana ang korona bilang Miss FIT (Face, Intelligence, Tone) Philippines noon pang Nobyembre 2021, at inaming emosyonal siya sa pagsasalin nito sa bagong reynang hihirangin ngayong gabi.

“It’s a bit of a mixed feeling, more of a separation anxiety with the crown, I’ve been with the crown for more than a year now,” sinabi ni Aduana sa Inquirer sa itinanghal na press presentation ng mga kandidata sa Palazzo Verde sa Las Piñas City noong Enero 26.

Para sa ikatlong pagtatanghal ng patimpalak, na maituturing na edisyon nito para sa 2022, 28 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang magtatagisan para sa titulo ni Aduana. “They’re actually very sweet, very determined, very driven. They’re so fun to be with,” ibinahagi niya.

Ayon sa organizer na ProMedia, nais ng patimpalak na isulong ang “wholistic beauty” sa pamamagitan ng “overall wellness.” Sinabi pa ni CEO Paul Izon Reyes sa press presentation, “we hone you to become fit to be a queen.”

Tarah Limjap

Tarah Limjap/ARMIN P. ADINA

Sinabi ng reigning queen na umaasa siyang magsisikap ang magiging bagong reyna, at samantalahin din ang pagkakataon tulad nang ginawa niya, “because it will really take her to a level that is beyond one’s wildest dreams.”

Si Aduana mismo sumabak sa 2022 Binibining Pilipinas pageant habang kasalukuyang nagrereyna bilang Miss FIT Philippines. Nagtapos siya sa Top 12 at itinanghal pa bilang “Face of Binibini” (Miss Photogenic).

Nagbahagi rin siya ng payo para sa magmamana ng korona niya: “More than the fitness, you have to stay true to your core value and all of your strengths. You have that within you, and you have to amplify that to inspire other people.”

Sinabi ni Aduana na nais niyang makita ang bagong reyna na ginagamit ang korona at kuwento ng buhay upang mapayabong ang pamayanan niya at ang bansa.

Itatanghal ang 2022 Miss FIT Philippines coronation night sa Palazzo Verde ngayong Enero 31, alas-7 ng gabi. Tatanggap ng P200,000 ang magwawagi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending