Sikat na male celeb nagkalat habang nagpe-perform sa probinsya; wala na sa tono, nakalimutan pa ang lyrics | Bandera

Sikat na male celeb nagkalat habang nagpe-perform sa probinsya; wala na sa tono, nakalimutan pa ang lyrics

Reggee Bonoan |January 31,2023
facebook
share this

Sikat na male celeb nagkalat habang nagpe-perform sa probinsya; wala na sa tono, nakalimutan pa ang lyrics

Reggee Bonoan - January 31, 2023 - 11:23 AM

Sikat na male celeb nagkalat habang nagpe-perform sa probinsya; wala na sa tono, nakalimutan pa ang lyrics

Hula-hula na!? Ma-gets n’yo kaya kung sinetch itetch?

NALUNGKOT ang kilalang aktor na rumaraket sa pagkanta dahil sa isang out-of-town event ay hindi siya gaanong pinalakpakan ng audience habang kumakanta.

Mas lalo pa siyang nasaktan nang yayain na niya ang mga tao na sabayan siyang kumanta. Dedma lang kasi ang audience sa kilalang aktor nang magsabi siyang, “Let’s sing together.”

Kuwento ng aming source, “Nu’ng ipakilala siya palakpakan ang lahat, e, pagpasok niya out of tune kaagad tapos smile-smile siya go pa rin sa pagkanta, inaalalayan na nga lang siya ng banda.

“Taas-baba kasi ang boses niya, hindi niya nako-control ‘yung high pitch niya,” sabi sa amin.

Ipinadala ng aming source ang kuha niyang video habang kumakanta ang kilalang aktor at pinanood nga namin.

Totoo nga out of tune ang aktor at idinadaan na lamang sa pagbati at pagpapasalamat dahil naimbitahan siyang mag-perform. Pero talagang  nawala siya sa tono at higit sa lahat nalimutan din ang lyrics.

Lukang-luka raw ang organizer ng show dahil siyempre sa kanya ipinagkatiwala ng nagpa-event ang pagkumbida ng performers, e, hindi naman daw nito alam na ganu’n pala ang kilalang aktor.

“Idinadaan sa face value, e, ang mga taga-probinsya pa naman hindi lang sa face value na tumitingin pati na sa talent. E, alam mo naman ang (probinsya) sa kanila galing ang mga sikat na singers ngayon hanggang ibang bansa sikat ang produkto ng (probinsya),” kuwento ng aming source.

“Natapos na ‘yung tugtog ng banda hindi na nakakanta si ____ (kilalang aktor) kasi hindi na niya alam kung paano siya papasok kaya nag-request ng ibang kanta na lang.

“Kita mo naman ang video, ‘yung audience nanonood lang, kinukunan din siya ng video habang kumakanta walang pumapalakpak,” kuwento pa ng aming source.

Kitang-kita raw sa mukha ng kilalang aktor na dismayado siya nang matapos mag-perform at iilan lang ang pumalakpak sa kanya na mas naikumpara pa nang tawagin ang next performer na halos nakakabingi ang hiyawan at palakpakan.

Tsinek namin ang video at oo nga, wala na kaming marinig sa sinasabi ng isa pang guest kahit sumisigaw na ito sa kababati at pasasalamat sa pag-imbita sa kanya sa nasabing probinsya.

Ang kilalang aktor ay walang regular show ngayon dahil tila ayaw pa niyang magtrabaho at mas type niyang kumanta-kanta lang dahil mas malaki ang bayad kaysa sa TV series.

“E, hindi naman kasi kagalingang umarte puro lang face value,” say ng aming source.

Oo nga naman.

Pang-asar ni Brenda Mage sa mga ‘Marites’: Opo, miserable na ang buhay ko sa probinsya, naghihirap na ako

Pagkanta ni Sunshine Cruz ng ‘Someone That I Used To Love’ para nga ba kay Macky Mathay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andi masaya sa muling pag-uwi ni Ellie; Jaclyn gusto na rin mamuhay sa probinsya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending