Paolo Contis umaming dyowa na si Yen Santos, nagpakatotoo sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: 'May mga kalokohan din akong ginawa' | Bandera

Paolo Contis umaming dyowa na si Yen Santos, nagpakatotoo sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘May mga kalokohan din akong ginawa’

Ervin Santiago |January 30,2023
facebook
share this

Paolo Contis umaming dyowa na si Yen Santos, nagpakatotoo sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘May mga kalokohan din akong ginawa’

Ervin Santiago - January 30, 2023 - 06:19 PM

DIRETSAHAN nang ibinandera ni Paolo Contis na girlfriend na niya ang aktres na si Yen Santos.

Ginawa ng Kapuso actor ang pag-amin sa part 2 ng “Fast Talk With Boy Abunda” na ipinalabas ngayong araw, January 30, sa GMA 7 kung saan tinuldukan na nga niya ang matagal nang haka-haka tungkol sa kanila ni Yen.

Ngunit mabilis namang dinenay ni Paolo na si Yen ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng dating live-in partner na si LJ Reyes.

Tanong ni Tito Boy kay Pao, “Si Yen Santos ba ay girlfriend mo na? Oo o hindi?”

“As a friend?” ang natawang biro ni Paolo. Pero agad din siyang sumagot ng “Yes.”

Paliwanag niya, “Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?

“Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.

“Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila,” aniya.

Kasunod nito, ilang beses nga niyang itinanggi na hindi talaga si Yen ang rason kung bakit bigla na lang silang naghiwalay ni LJ. Nagpaliwanag ang aktor tungkol dito.

“Somehow medyo matagal na kaming hindi okay ni LJ, pero we were together, of course. Napapadalas ang away and everything. I think it’s a combination na ng stress sa pandemic and eveything, no.

“One of my biggest mistakes was hindi ko inalala yung mental health ni LJ. Isa yan sa feeling ko simula ng downfall namin, na hindi ko inisip yon.

“Kapag nahihirapan siya during pandemic, ang utak ko, ‘eeeh…’ alam mo yun? ‘Four times a day tayong kumain, chill ka diyan.’ Alam mo yung ganu’n?

“Plus, again, yung pagdidiskarte ko ng sarili ko, na hindi ko na ini-inform sa kanyang yung mga bagay-bagay, which led to bigger problems.

“So, I won’t divulge na sa isyu na yon, pero eventually, it piled up. Again, hindi kami nag-uusap nang maayos.

“Plus, yun na nga, every time ako nakakalabas ng bahay dahil pandemic, may work… may kalokohan din akong ginagawa,” pahayag pa niya.

Dumepensa din ang Kapuso actor tungkol sa naging kontrobersyal niyang  “as a friend” statement tungkol sa mga kumalat na litrato nila ni Yen na kuha nang magtungo sila sa Baguio.

Ayon kay Paolo, “Well, yung ‘as a friend,’ nung nag-Baguio kami ni Yen, nasa States na sila LJ nu’n.

“Nagmukhang baligtad because your (Boy) interview with LJ came out, pero wala na kami sa Baguio nu’n. So, ang feeling ng tao, habang ini-interview si LJ, nasa Baguio ako.

“Pero when you were interviewing LJ, mga one or at least 10 days na silang nasa States, I left for Baguio nasa States na sila. Hindi na kami nu’n,” paliwanag pa ni Paolo Contis.

Related chika:

Paolo kay LJ: Aaminin ko, naging marupok at g*g* ako…I’m very sorry for everything, sa lahat-lahat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yen nag-unfollow rin sa Instagram; may koneksyon nga ba sa isyu nina Paolo at LJ?

Paolo kasama ba ni Yen sa kanyang birthday dinner?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending