John Prats pinatunayang ‘may forever’ kay Isabel Oli: Sa hirap at ginhawa ikaw ang aking makakasama | Bandera

John Prats pinatunayang ‘may forever’ kay Isabel Oli: Sa hirap at ginhawa ikaw ang aking makakasama

Pauline del Rosario |January 30,2023
facebook
share this

John Prats pinatunayang ‘may forever’ kay Isabel Oli: Sa hirap at ginhawa ikaw ang aking makakasama

Pauline del Rosario - January 30, 2023 - 03:23 PM

John Prats pinatunayang ‘may forever’ kay Isabel Oli: Sa hirap at ginhawa ikaw ang aking makakasama

PHOTO: Instagram/@johnprats

SAMPUNG taon nang nagsasama ang celebrity couple na sina Isabel Oli at John Prats!

At dahil diyan ay nagpaabot ng matamis na mensahe ang actor-dancer para sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

Sa Instagram, ibinandera ni John ang ilang travel at sweet photos nilang mag-asawa.

Sinabi pa niya na dahil sa kanyang misis ay nabuo ang pinapangarap niyang pamilya.

“Happy 10 years my Love! Grabe! Ang bilis ng panahon! Sa loob ng Sampung Taon, napakaraming nangyari, binayayaan tayo ng 3 anak at nabuo natin ang pamilya na pinangarap natin,” caption ni John.

Patuloy pa nya, “Hindi perpekto ang relasyon natin, pero sa lahat ng seasons ay napagtagumpayan natin.”

“Sa Hirap at Ginhawa nga ay ikaw ang aking makakasama! Maraming salamat sa pagmamahal na walang kapantay! I love you sooooo much!!! Salamat Lord God dahil lagi kang nakagabay sa amin,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)

Bumati naman ang ilang kapwa-artista at kabilang diyan sina Raymart Santiago, Marc Solis, at ang kapatid ni John na si Camille Prats.

Samantala, ang ikawalong wedding anniversary ng dalawa ay ipagdidiwang sa darating na Mayo.

Taong 2015 nang ikinasal ang dalawa matapos ang dalawang taong relasyon.

Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Feather, Daniel Freedom at Forest.

Related chika:

John Lloyd Cruz ibinandera ni Isabel Santos sa IG, official na nga bang magdyowa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Lloyd Cruz, Isabel Santos magkasama sa Italy, aamin na ba?

John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending