Ganiel Krishnan nabiktima ng ‘auto translate’, ibinahagi ang kwelang convo ng food delivery rider

 

NAGING biktima ka na rin ba ng auto translate?

‘Yan kasi ang nangyari sa beauty queen-reporter na si Ganiel Krishnan sa isang food delivery app.

Ibinahagi pa mismo ni Ganiel ang screenshot ng kwelang usapan nila ng delivery rider sa social media at tila pilit niyang iniintindi ang sinasabi nito.

Sabi ng rider sa kanya, “I fertilized 2405, ma’am. I’m out here ma’am.”

Dagdag pa nito, “Ma’am, you will pay only 2405. The vendor says you will be refunded. I fertilized.”

Saad naman ni Ganiel sa kanyang Twitter post, “Pinilit ko intindihin si kuya foodpanda driver (laughing emoji).”

“Nag abono pala siya. Fertilize nga naman,” aniya.

Nilinaw din ng beauty queen na hindi ito sinasadya ng rider kasi naka-auto translate ang setting ng kanyang application.

“Also para po clear, Hindi naman pala ito sinadya ni kuya driver. Naka auto translate po yung setting nung app. Napag alaman ko lang po (red heart emoji),” sey niya.

Maraming netizens naman ang naka-relate at tawang-tawa sa screenshot convo na ibinandera ni Ganiel.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento at ilan sa kanila ay ikinuwento pa ang kanilang naging experience sa auto translate:

“Aaay sya!! May na-experience din ako sa ganyang auto translate. Ang malala ay muntik akong nakipag-away.”

“pasaway din minsan grab app kanina yung nag chat ako sa driver tungkol sa saging na malaki na bibilhin bigla nagreklamo yung system unable to send inappropriate content daw hahahaha”

“Ang aga nito!  sumakit ulo ko sa kakaisip ng ‘fdertilized’ (laughing emoji)”

“Hahahaahahahahhahaa aliw tagal ko inisp ako ang fertilized jusko”

Related chika:

Ganiel Krishnan nag-resign bilang Miss World PH 2021 Second Princess, mas pinili ang ABS-CBN

Read more...