Binata, meron pa? (2)

Sulat mula kay Leonila ng Claveria, Misamis Oriental
Problema:
1.      Kabit lang ako pero masaya naman dahil sa akin pa rin umuuwi ang aking asawa na pamilyado na.  Umuupa lang kami.  Sa isang linggo ay apat na araw siyang umuuwi sa akin kaya’t hindi nakakahalata ang aming mga kapitbahay at ang tingin nila sa amin ay tunay na mag-asawa.  Siyempre, hindi naman ako tunay na masaya.  Kapag inisip ko ang pangmatagalan ay nag-aalala na ako.  Ganito na lang ba ako?
2.    Habambuhay na ba ito?  Nais kong malaman, Sir Greenfield, kung talagang mahal ako ng lalaking ito at kapag daw siya nakipaghiwalay sa kanyang legal na asawa, malaya na raw kaming magsasama pero ang inaaala ko ay kailan pa kaya mangyayari iyon? Kung makikipaghiwalay na ako sa lalaking ito may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa ng binata at makaranas na maikasal at magkaroon ng mas disente at mas maayos na pamilya?
Umaasa,
Leonila ng Claveria, Misamis Oriental
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing ka-compatible mo ang lalaking kinakasama mo na may asawa na, dahil ang zodiac sign niyang Aquarius, ay pinangingibabawan din ng elementong air o hangin.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing bukod sa tugma at compatible kayo sa Astrology tugma din ang birth date niyang 28 sa birth date mong 4. Ibig sabihin, tulad nan nasabi na, malabo na kayong magkahiwalay ng lalaking kinakasama mo kahit siya ay may asawa at pamilya na.
Physiognomy:
Ang buhay at malaking nunal sa kanang bahagi ng iyong pisngi ay nagsasabing habang nakikipag-relasyon ka sa lalaking may asawa at pamilya na, dapat kang mag-negosyo ng tindahan ng bigas, grocery at iba pang kauri nito. Sa negosyong nabanggit ka yayaman.
Luscher Color Test:
Gumamit kang lagi ng kulay na pula, upang kahit na nakikipag-relasyon ka sa lalaking may asawa na, patuloy na umunlad at lumago ang kabuhayan mo sa aspetong pang-materyal.
Huling payo at paalala:
Leonila, may iba’t ibang suwerte ang bawat tao, sa kaso mo suwerte ka sa aspetong pang-materyal sa lalaking kinakasama mo  kahit siya ay may asawa na. Ayon sa iyong kapalaran, malabo na kayong magkahiwalay. Ganon paman, upang makatiyak ng “financial security” sa kinabukasan, tulad ng naipahayag na sa itaas, ang dapat mong gawin sa ngayon ay magpayaman. Sa ganyang paraan, kapag nagkahiwalay kayo ng lalaking kinakasama mo, mananatili ang maganda at masaganang kalagayan ng iyong buhay sa aspetong pang-materyal.

Read more...