Vilma Santos, Ralph Recto nagdiwang ng 30th anniversary, na-hot seat ng pamilya sa Q&A session | Bandera

Vilma Santos, Ralph Recto nagdiwang ng 30th anniversary, na-hot seat ng pamilya sa Q&A session

Pauline del Rosario |January 23,2023
facebook
share this

Vilma Santos, Ralph Recto nagdiwang ng 30th anniversary, na-hot seat ng pamilya sa Q&A session

Pauline del Rosario - January 23, 2023 - 05:36 PM
Vilma Santos, Ralph Recto nagdiwang ng 30th anniversary, na-hot seat ng pamilya sa Q&A session

PHOTO: Instagram/@rosavilmasantosrecto

KASABAY ng ika-30th wedding anniversary ng actress-politician na si Vilma Santos at Senador Ralph Recto ay tila na-hot seat ang dalawa sa isang question and answer session.

Sa pamamagitan ng “Question We’ve Never Asked Each Other” sa YouTube ni Vilma ay isa-isa silang tinanong ng kanilang mahal sa buhay, lalo na ng kanilang anak na si Ryan Recto.

Mapapanood sa video na nagbakasyon at nag-bonding pa sila sa tinaguriang “Summer Capital” ng bansa, ang Baguio City.

Bungad pa ni Vilma sa video, “Find time to take a break…kasi kahit papaano, nakakatulong po ito for our mental health. Tayo po ay nare-relax and at the same time, nare-refresh.”

Anyway, ito na nga ang ilan sa mga tanong na sinagot ng mag-asawa.

Unan na riyan ay kung papayagan ba ni Ralph si Vilma na bumida sa isang Vivamax movie.

Ang sagot ng senador, “Basta ako ang leading man.”

May nagtanong naman kay sa batikang aktres kung tinitingnan ba niya ang cellphone ng kanyang asawa.

Agad na sagot ni Vilma, “No. Alam niyo, hindi ko naging ugali ‘yun na not even ‘yung nagche-check sa pocket, the more sa cellphone.”

Patuloy niya, “Ni minsan, hindi ko nahawakan ang cellphone niya kasi alam ko na personal niya ‘yun. There are a lot of things in that cellphone na personal diba.

“I don’t know if you agree with pero palagay ko na kahit matagal na kayong magkasama, dapat may mystery pa rin between the two of you.”

Marami naman ang kinilig sa sinabi ni Ralph nang umamin si Vilma na totoong naging tomboy siya noong high school.

Dahil ang sabi ng senador, “Kung ako naging babae, liligawan ko pa rin siya.”

Kasunod naman niyan ay ‘yung tanong kung ilang beses na silang naghiwalay.

Sey ni Vilma, “Parang sa loob ng 36 years ng aming marriage, mga tatlo…plagay ko mga tatlo na.”

May nagtanong naman kung pwede na bang magpakasal ang 26-year-old nilang anak na si ryan.

Para kay Ralph, “okay lang,” pero si Vilma ay tila hindi pa ready.

“No! Not yet. Wag muna naman,” saad ng aktres.

Tungkol naman sa pagiging bagong lolo at lola, narito ang kanilang sinabi sa video.

“Heaven po…Iba pala ‘yung gusto ko lagi na nakikita everyday kahit na hindi personal..lagi kaming naka-face time na nakikita ko siyang umiiyak, nakikita ko siyang natutulog,” sey ni Vilma.

Saad naman ni Recto, “Masarap magkaroon ng apo.”

Matatandaan noong 1992 pa nang ikinasal sina Vilma at Ralph.

Biniyayaan sila ng isang anak na si Ryan.

Samantala, may anak si Vilma mula kay Edu Manzano na si Luis Manzano.

Related chika:

Pia sa mga in-love pero ayaw umamin: Habang itinatago mo ang feelings mo, hindi mo malalaman ang answer…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!

Bianca King magiging mommy na rin: I mentally gave up but surprise! A natural miracle happened!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending