Ogie Diaz naloka sa nagtataray pero mali-mali mag-English: Pwede ba, stop me! | Bandera

Ogie Diaz naloka sa nagtataray pero mali-mali mag-English: Pwede ba, stop me!

Pauline del Rosario |January 23,2023
facebook
share this

Ogie Diaz naloka sa nagtataray pero mali-mali mag-English: Pwede ba, stop me!

Pauline del Rosario - January 23, 2023 - 12:35 PM

Ogie Diaz naloka sa nagtataray pero mali-mali mag-English: Pwede ba, stop me!

PHOTO: Instagram/@ogie_diaz

SINO kaya ang kaaway ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz at tila galit na galit siya sa kanyang latest Instagram Stories.

Sinabihan pa nga niya itong “trying hard” dahil mali-mali namang mag-English ‘yung nagtataray umano sa kanya.

Sey niya sa IG story, “Magtataray, pero mali-mali English? Paano manginginig ang tumbong ko sayo, apaka-trying hard mo?”

Inasar pa ito ng talent manager at sinabing, “Ingles-ingles ka pa diyan para magmukha kang sosyal? Hahaha! Kaloka ka! Pwede ba, stop me!!”

Kamakailan lang ay nagbigay ng babala si Ogie sa mga taong mahilig magbigay ng payo sa buhay.

“Sabi nila alisin ang toxic people sa buhay mo,” umpisa ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “Bago mo sabihin yan, make sure na hindi ka toxic mismo, ha?

“Sa panahon ngayon, pag nagsalita ka ng mga wisdom and realization mo sa buhay, nakakalimutan nilang di sila perfect,” aniya.

To be fair naman, may point si Ogie lalo na dahil sa ngayon ay masyado nang expose online ang madlang pipol.

Bukod pa rito, halos lahat ay entitled na sa kanilang mga opinyon lalo na’t lahat ay nasa social media na.

Related chika:

Ogie Diaz may babala sa mga mahilig mag-advice: Make sure na hindi ka toxic mismo, ha?!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz gets ang pagbili ni Mommy Pinty ng 500 tickets para sa concert ni Toni: Susuportahan mo ‘yung anak mo

Ogie Diaz sa chikang si Kylie ang nagloko sa relasyon nila ni Aljur: Hindi naman isyu kung sino ang una o sumunod…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending