Pangarap ni Zeinab Harake na makita't mayakap si Marian Rivera natupad na; na-starstruck sa DongYan | Bandera

Pangarap ni Zeinab Harake na makita’t mayakap si Marian Rivera natupad na; na-starstruck sa DongYan

Ervin Santiago |January 23,2023
facebook
share this

Pangarap ni Zeinab Harake na makita’t mayakap si Marian Rivera natupad na; na-starstruck sa DongYan

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 01:31 PM

Pangarap ni Zeinab Harake na makita't mayakap si Marian Rivera natupad na; na-starstruck sa DongYan

Marian Rivera at Zeinab Harake

KITANG-KITA namin ang naging reaksyon ng content creator na si Zeinab Harake nang makita niya nang personal ang kanyang idol na si Marian Rivera.

Dream come true para sa social media personality ang makasama at makachikahan ang Kapuso Primetime Queen sa kauna-unahang pagkakataon.

At may bonus pa! Na-meet din kasi ni Zeinab ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes kaya naman abot-langit ang kaligayahang naramdaman ng sikat na YouTuber.

View this post on Instagram

A post shared by @zeinab_harake


Natupad ang matagal nang pangarap ni Zeinab kahapon sa naganap na grand opening ng Beautederm Building sa Angeles City, Pampanga na pag-aari ng dating radio DJ na isa nang matagumpay na entrepreneur ngayon na si Ms. Rhea Anicoche Tan.

Sina Marian at Dingdong ang nakatuwang ni Ms. Rei sa ribbon cutting ceremony para sa pormal na pagbubukas ng Beautederm Building kung saan maatatagpuan din ang kanyang Beautederm Beanery at A-List Avenue.

Isa si Zeinab sa mga brand ambassador ng nasabing kumpanya na naki-join sa naganap na grand launch kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa kanyang Instagram account, ipinost pa ni Zeinab ang litrato nila ni Marian na magkayakap at ang photo niya kasama ang Kapuso Primetime King & Queen.

“My forever lodi, my Marimar I love you so so much @marianrivera. Finally my dongyan heart,” ang caption ng vlogger sa kanyang IG post.

In fairness, ibinahagi rin ni Marian ang post ni Zeinab sa kanyang Instagram story na pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens na natuwa rin sa pagkikita ng dalawa.

May mga nag-request pa nga na sana’y magkaroon ng collaboration ang dalawa sa YouTube.

Nasaksihan namin ang pagkikita nina Zeinab at Marian kahapon sa nasabing event at talaga namang hindi ko ma-explain ang naging reaksyon ng vlogger.

Matagal na kasing sinasabi ni Zeinab na isa sa mga celebrity na pangarap niyang makita ay si Marian dahil super idol nga niya ito na nagsimula pa noong bumida ang aktres sa “Marimar” ng GMA 7.

Sabi nga ni Zeinab, napakaswerte niya dahil nabigyan siya ng chance na makita up close and personal ang kanyang mga idol. Nagpasalamat din siya kay Ms. Rei nang bonggang-bongga dahil sa pagkuha sa kanya bilang ambassador.

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Kylie Padilla dedma nga ba kay Aljur Abrenica, nag-enjoy makipaglaro sa mga elepante

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending