Jane de Leon marami pang pasabog sa 'Darna', viral TikTok videos umabot na sa 2.3-B views | Bandera

Jane de Leon marami pang pasabog sa ‘Darna’, viral TikTok videos umabot na sa 2.3-B views

Ervin Santiago |January 23,2023
facebook
share this

Jane de Leon marami pang pasabog sa ‘Darna’, viral TikTok videos umabot na sa 2.3-B views

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 07:19 AM

Jane de Leon marami pang pasabog sa 'Darna', viral TikTok videos umabot na sa 2.3-B views

Jane de Leon at ang mga kalaban ni Darna

TULUY-TULOY pa rin ang mataas na paglipad ng Kapamilya action-fantasy-adventure series na “Darna” na pinagbibidahan nina Jane de Leon, Joshua Garcia at Janella Salvador.

Asahan ang mas marami pang pasabog sa mga susunod na episode ng “Darna” lalo na ang pagdating ng mga bagong kalaban ng iconic Pinay superhero.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, kasangga ang makapangyarihang grupo na tinatawag na Super Soldiers, nakatakda na si Heneral Borgo (Richard Quan) na gawin ang pinakamatinding panlilinlang kay Narda/Darna (Jane) para maagaw ang puting bato.

Sina Noah (Paolo Gumabao), Andre (Young JV), Mayor Zaldy (Simon Ibarra), Maisha (Dawn Chang), Sigfried (Joshua Colet), Arthur Pineda (Eric Fructuoso), Ishna (Kim Rodriguez), at (Ali) Mark Manicad ang mga sandata na gagamitin in Borgo laban kay Darna.

Dahil sa berdeng kristal na pumasok sa kanilang katawan, kaya nang magmanipula ng apoy ni Noah habang Si Andre ay may abilidad namang magpasabog.

May ekstrang lakas at kayang magpalaki ng katawan ni Mayor Zaldy habang si Maisha naman ay may kapangyarihang pagalawin ang mga tao.

View this post on Instagram

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


May control sa basura at iba pang bagay ang dating pulis na si Pineda habang may kakayahan namang gumawa ng force field bilang shield si Sigfried.

Abangan ang magiging transformation ni Ali habang isa namang shapeshifter ang assistant ni Borgo na si Ishna.

Pagkatapos ihanda ni Borgo ang mga miyembro ng kanyang hukbo, ipinakilala na niya ang katauhan niya kay Darna bilang si Rex Vanguardia.

Ang patibong na ito ang naisip niyang paraan para tuluyang nang lumabas ang tunay na halimaw sa likod ni Regina/Valentina (Janella).

Ngayon na buo na ang plano ni Borgo, mailigtas pa kaya ni Darna ang sarili at ang mga mamamayan ng Nueva Esperanza?

Patuloy ang paglipad nang mataas ng “Darna” sa primetime TV at digital. Noong 2022, umani rin ito ng iba’t ibang Darna-related content sa TikTok na may #Darna na may pinagsamang 2.3 billion views.

Huwag palampasin ang mga bigating labanan na magaganap sa “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN mula sa JRB Creative Production at sa direksyon ni Benedict Mique.

Iza sa paglipad bilang Darna: Celebrating the superhero in all of us today and always!

Sey mo Alex sa hugot ni Dawn Chang: ‘Uy, hindi ako namumunas ng icing! Hindi ako ganu’n!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuya Kim pinatulan ang netizen na nangnega sa show ng GMA; may hugot sa network wars

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending