Mark Anthony payag gumawa ng gay movie: Pero hindi ko kayang makipaghalikan at makipag-love scene sa kapwa ko lalaki | Bandera

Mark Anthony payag gumawa ng gay movie: Pero hindi ko kayang makipaghalikan at makipag-love scene sa kapwa ko lalaki

Ervin Santiago |January 23,2023
facebook
share this

Mark Anthony payag gumawa ng gay movie: Pero hindi ko kayang makipaghalikan at makipag-love scene sa kapwa ko lalaki

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 07:23 AM

Mark Anthony payag gumawa ng gay movie: Pero hindi ko kayang makipaghalikan at love scene sa kapwa ko lalaki

Mark Anthony Fernandez

KUNG may isang aktor na masasabing napakaswerte ngayon sa kanyang showbiz career, yan ay walang iba kundi si Mark Anthony Fernandez.

In fairness, simula last year ay talagang hindi na siya nawalan ng proyekto, partikular na sa Viva Films at Vivamax kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng aktor sa pamilya ni Boss Vic del Rosario.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Mark Anthony sa Viva Entertainment ay ang “Doblado”, “Deception”, “Barumbadings”, “House Tour”, “Scorpio NIghts 3”, “Pamasahe”, “Night Bird” at ang latest nga ay ang “Bela Luna”.

May natapos na rin siyang mini-series kasama ang Vivamax bombshell na si Rose Van Ginkel, ang “Stalkers”, na idinirek ni East Ferrer.

Ayon kay Mark Anthony, na nagdiwang ng kanyang 44th birthday last January 18, isa ang pamilya ni Boss Vic sa mga nagbigay ng second chance sa kanya matapos dumaan sa ilang matitinding pagsubok sa buhay.

“Marami talaga akong dapat ipagpasalamat sa Viva for energizing my career. They give me a lot of good projects and for that, I’m really thankful,” sabi ng dating matinee idol sa naganap na presscon ng “Bela Luna” kamakailan.

Sa ilang pelikulang pinagbidahan ng aktor ay napasabak siya sa paghuhubad at paggawa ng sex scenes, lalo na sa “Scorpio Nights 3” nila ni Christine Bermas kung saan siya nag-frontal nudity.

“Well, mas matapang ako ngayon kasi pinaghirapan ko naman ang porma ng katawan ko ngayon.

“Talagang nag-eensayo ako everyday at hinahanap na ng katawan ko kapag hindi ako nakapag-exercise.

“I’d say I’m more fit now than when I was much younger, so I feel puede naman akong maging mas daring sa movies that I do now,” sabi pa ni Mark.

Sa latest movie ng aktor na “Bela Luna” ay makakasama naman niya ang Vivamax Queen na si Angeli Khang, mula sa direksyon ni Mcarthur Alejandre at sa malikhaing pag-iisip ni Ricky Lee.

Gaganap si Angeli bilang dalawang babaeng palaban at walang inuurungan na malaki ang koneksyon sa isa’t isa.

Si Luna ay isang teacher na pinagmamalupitan ng asawang halos doble sa edad niya, si Abe (Julio Diaz).

Dahil madalas maltratuhin at pagsamantalahan ni Abe, hindi na makapaghintay si Luna na iwan ang kanyang asawa. Magkakaroon siya ng panandaliang pagtakas sa pagdating ni Diego (Mark Anthony), isang lalaking bibihag kay Luna.

Pero sa maikling sandali nila ni Diego, magkakapalagayan sila ng loob na mauuwi sa mainit na pagtatalik. Binigyan niya si Luna ng bagong dahilan para masabik sa pag-ibig. Si Diego na nga kaya ang magiging dahilan para tuluyang makalaya si Luna kay Abe?

Si Bela naman ay isang empowered city girl na ka-live in ang kanyang boyfriend na si Arnold (Kiko Estrada). Silang dalawa ay may binububuong special project na hindi nila alam na unti-unting titibag sa kanilang relasyon.

Sa pagtatagpo ng kanilang landas, biglang magbabago ang kanilang buhay.

Mapapanood na exclusively ang “Bela Luna” sa Vivamax simula sa January 27.

Samantala, natanong naman si Mark Anthony sa kung game rin ba siyang gumawa ng gay movie. Sagot niya, “I already played a gay role in ‘Barumbadings’ with Baron Geisler, but we weren’t required to do do gay sex scenes there.

“Okay lang naman siguro to do such films, but hindi ko kaya yung makikipaghalikan o bedscene sa kapwa ko lalaki.

“Actually, what I really want to do is a dual role, gaya ng ginampanan ni Angeli Khang in ‘Bela Luna’ with two different roles as Bela and Luna.

“My dad (Rudy Fernandez) did a movie like that with my mom (Alma Moreno), ‘Babalik Ka Rin’. Kung may magre-remake noon, I’d be happy to do it,” aniya pa.

Mark umaming ‘love’ pa rin si Claudine, bet uling manligaw: Hindi pa naman huli ang lahat…

Baron atat na atat gumanap na Juan Luna: Interesado ako sa pagkatao niya, he’s such a complex person

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Voltes V: Legacy’ ng GMA magbo-volt in na sa 2023, sey ni Direk Mark Reyes: ‘The level of expectation is really scary…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending