Vice Ganda pinaiyak sina Chie Filomeno at Regine Tolentino matapos maglitanya tungkol sa kapatid na hindi makasundo | Bandera

Vice Ganda pinaiyak sina Chie Filomeno at Regine Tolentino matapos maglitanya tungkol sa kapatid na hindi makasundo

Ervin Santiago |January 23,2023
facebook
share this

Vice Ganda pinaiyak sina Chie Filomeno at Regine Tolentino matapos maglitanya tungkol sa kapatid na hindi makasundo

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 07:33 AM

Vice Ganda pinaiyak sina Chie Filomeno at Regine Tolentino matapos maglitanya tungkol sa kapatid na hindi makasundo

Regine Tolentino, Chie Filomeno at Vice Ganda

PINAIYAK ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang mga hurado ng “Girl on Fire” segment sa nakaraang episode ng “It’s Showtime!”

Hindi napigilan nina Regine Tolentino at Chie Filomeno ang kanilang emosyon nang maglitanya na si Vice sa programa tungkol sa relasyon nila ng kanyang kapatid na si Babot.

Nagbahagi ang TV host-comedian ng naging samahan nila ng nakatatandang kapatid habang iniinterbyu ang isang contestant sa “Girl on Fire”. Napag-usapan kasi ang tungkol sa iba’t ibang relasyon at turingan ng magkakapatid.

Simulang pagbabahagi ni Vice, “Natatandaan ko dati, yung kapatid kong si Babot, hindi kami masyadong magkasundo lalo na nu’ng lumalaki na ‘ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Hindi niya ko masyado kinikibo. Di niya ako pinapansin. Lagi niya ako natatalakan,” dugtong ng komedyante.

Hanggang sa ma-meet daw niya ang mga kaibigan ni Babot na dumalaw sa kanilang bahay. Nagtaka si Vice dahil parang kilalang-kilala raw siya ng mga ito kahit noon lamang sila nagkakila-kilala.

“’Ay di ba ikaw yung matalinong kapatid ni Babot?’ Tapos sabi ko, ‘Ay di ko po alam.’ ‘Eh pinagmamalaki ka ni Babot kasi scholar ka raw eh,’” kuwento pa ni Vice.

“Hindi niya sinasabi sa ‘kin pero ipinagmamalaki niya ako sa ibang tao. Iba yung paraan. Iba iba kasi tayo ng ways. Pero hindi mo pwedeng i-menos sa kaniya na, ‘ay di ka proud sa kapatid mo,’” aniya pa.

Sabi pa ni Vice sa contestant na may hugot sa kanyang kapatid, “Hindi lang sila ganun katapang na sabihin kasi iba-iba talaga tayo ng pagkatao.

“For sure may mga ganyan, hindi nasasabi pero sa kaloob-looban nila. Meron nga tayo nung galit na galit ka sa kanya pero pagtalikod mo, alam mo kahit galit ka du’n mahal mo yun,” chika pa niya.

Pagkatapos magpahayag ng kanyang nararamdaman, napansin ni Vice na nag-iiyakan na ang mga hurado sa contest kabilang na nga sina Regine at Chie.

At nang tanungin ni Vice si Regine kung bakit ito naiiyak, sinabi nitong naalala raw niya bigla ang kanyang ama.

“Ganu’n kasi yung dad ko. He’s not showy. He does not say it. Nalalaman ko na lang mga tita ko, sa mga pinsan ko na he’s so proud of me. It means so much lalo na ngayon wala na siya,” lahad ni Regine.

Ice Seguerra pinaiyak ang mga um-attend sa Healthy Pilipinas Short filmfest; Liza Dino super pasalamat sa DOH

Pauleen Luna pinaiyak nina Ice Seguerra at Vic Sotto; may nakakalokang bukingan tungkol sa ‘father & son’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa Gutierrez sumagot sa paratang ni Rowena Guanzon: I did not fire anyone

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending