Sunshine puring-puri ang dyowa ni Cesar: 'Minahal at tinanggap niya ang mga anak ko' | Bandera

Sunshine puring-puri ang dyowa ni Cesar: ‘Minahal at tinanggap niya ang mga anak ko’

Ervin Santiago |January 23,2023
facebook
share this

Sunshine puring-puri ang dyowa ni Cesar: ‘Minahal at tinanggap niya ang mga anak ko’

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 10:15 AM

Sunshine puring-puri ang dyowa ni Cesar: 'Minahal at tinanggap niya ang mga anak ko'

Sunshine Dizon, Cesar Montano, Kath Angeles kasama ang kani-kanilang mga Anak

TODO ang pasasalamat ng aktres na si Sunshine Cruz sa partner ng ex husband niyang si Cesar Montano.

Maayos na maayos na ang relasyon ngayon ni Sunshine kay Cesar kahit pa nga may sarili na itong pamilya with his live-in partner Kath Angeles.

Sa katunayan, nagsama-sama pa sila nitong nagdaang Bagong Taon sa Bohol kung saan nagkapag-bonding nga nang bongga-bongga ang tatlo niyang anak na sina Angelina, Samantha at Francheska sa iba pang mga anak ni Cesar.

“Siguro because it’s been almost ten years ng separation namin. At kahit na anong lalim naman yan, kapag nasugatan ka, naghi-heal, di ba?

“So I think, in God’s perfect time, nag-heal kami pareho, and nakita namin na naging maligaya ang mga anak namin nong magkaroon ng relationship,” ang pahayag ni Sunshine sa virtual presscon ng bagong serye ng GMA 7 na “Underage”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


Pagpapatuloy pa niya, “It just started last year, 2022 na nagkaroon ng forgiveness and mismong ang mga anak ko nga, sa interview, sinasabi nila na yung peace sa puso nila, nabuo nong nagkaroon sila ng relationship with their dad.

“And bilang mom, who am I not to be happy sa nangyari? And nakakatuwa lang talaga, even yung partner ni Cesar ngayon, napakabait. Minahal niya ang mga anak ko at tinanggap niya ang mga anak ko,” sabi pa ng aktres na ang tinutukoy nga ay si Kath.

Sabi pa ni Sunshine sa patungkol sa tatlong anak, “They now have a beautiful relationship with their father, so, hindi na lang ako ngayon ang nakakakapag-advice.

“Nariyan na rin si Cesar at nandiyan na rin ang kanilang Tita Kath para suportahan at mag-advice sa kanila,” aniya pa sa nasabing panayam.

Patuloy pa niya, “Nagkaroon ng relationship bigla yung mga anak nila ni Cesar sa mga anak namin, so ang sarap sa pakiramdam.

“And itong New Year, nong malaman nila na nakapag-schedule kami at nakapagpa-book sa Bohol, biglang nagdesisyon sila na sasama raw sila sa amin.

“So sabi ko, why not, di ba? Kasama si Diego (Loyzaga) and it was fun, it was fun. Ang sarap-sarap sa pakiramdam. Nagkaroon ng forgiveness and magkakaibigan lahat,” ani Sunshine.

Marami namang netizens ang nagkomento na sana’y gayahin daw ng ibang celebrities si Sunshine na nagawang patawarin si Cesar para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Resbak ni Sunshine sa epal na basher: Masarap po mabuhay nang may pagpapatawad at pagmamahal sa puso

Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending