Istorbo raw: DANIEL, KATHRYN inireklamo ng mga estuyante sa LA SALLE, CAVITE


How true na imbiyerna ang mga estudyante ng De La Salle Dasmariñas dahil ang school nila ang ginawang location ng soap opera nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?

Nabasa namin sa isang website na tila iprinotesta ng mga La Salle students ang pagkakaroon ng taping sa kanilang campus.
Bakit, naiistorbo ba ang klase nila during taping?

Bakit, nagugulo ba ang kanilang peaceful existence once the cast and crew of the soap arrived on the set? Kung totoong hindi na pinayagang mag-taping ang soap nina Daniel at Kathryn sa nasabing campus ay bilib kami sa mga estudyante ng La Salle.

Puwede pala nilang iprotesta ang isang show. Anyway, tiyak naman kasing hindi matatahimik ang kanilang campus dahil sobrang sikat ni Daniel at kahit saan ay pinagkakaguluhan.

Hindi na kami magtataka kung talagang nagulo nga ang mga estudyante doon dahil sa kanyang pagdating.

( Photo credit to Google )

Read more...