Julie Anne San Jose, Barbie Forteza at Dennis Trillo
TATAPUSIN na ang kuwento ng “Noli Me Tangere” sa matagumpay at award-winning primetime series ng GMA 7 na “Maria Clara at Ibarra”.
At sa pamamaalam ng “NMT” na talaga namang sinubaybayan at tinutukan ng manonood, magsisimula naman ang kuwento ng isa pang nobela ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal, ang “El Filibusterismo”.
Abangan ang mas marami pang kaabang-abang at pasabog na eksena sa “Maria Clara At Ibarra” starting January 23, sa GMA Telebabad.
Pinagbibidahan pa rin ito ni 2016 Fantasporto International Best Actress at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza as Klay, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose as Maria Clara, at Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang Ibarra/Simoun.
Pagbabahagi ni Dennis sa ginawa niyang preparation sa bago niyang karakter bilang Simoun, “Nag-research ako para malaman kung ano ang itsura niya at maging accurate ang depiction ko sa kanya.
“Proud na proud kami na mapasama sa programang ito na maraming tumangkilik at ngayon dumarating ang mga parangal. Isa ito sa pinakaimportanteng shows ng dekadang ito,” sey ni Dennis.
Nag-share naman si Barbie ng isa sa pinaka-favorite scene niya sa serye, “Pinakagusto ko ‘yung nagdasal ako sa simbahan. Medyo sensitive ‘yung tinackle namin doon pero na-deliver nang maayos ang message sa viewers.
“Kahit made-up character si Klay, naging part na talaga siya ng nobela. Isa ito sa characters na hinding-hindi ko makakalimutan,” sey ng dalaga.
Para naman kay Julie Anne, talagang feeling blessed and grateful sila sa tagumpay ng “Maria Clara At Ibarra”, “Sobrang surreal pa rin na ako ang nagpo-portray ng Maria Clara.
“Nagpapasalamat ako sa malaking opportunity na ito. Collective effort siya from the whole team. Bawat detalye ng project na ito ay pinaghirapan kaya worth it ang lahat ng dugo, pawis at luha. Sobrang thankful kami,” aniya pa.
Kasama pa rin sa serye sina Tirso Cruz III bilang Padre Damaso, Ms. Manilyn Reynes as Narsing, Rocco Nacino as Elias, David Licauco as Fidel, at Juancho Triviño as Padre Salvi.
Ka-join din sa “Maria Clara At Ibarra” sina Juan Rodrigo as Kapitan Tiago, Ms. Ces Quesada as Tiya Isabel, Mr. Lou Veloso as Mr. Jose Torres, Mr. Dennis Padilla as Mang Adong, Ms. Gilleth Sandico as Donya Victorina, Chai Fonacier as Lucia, Kiel Rodriguez as Renato at Kirst Viray as Pablito.
Completing the powerhouse cast are the additional characters of El Filibusterismo – Khalil Ramos as Basilio, Pauline Mendoza as Juli, Julia Pascual as Paulita, Kim De Leon as Isagani, and Arnold Reyes as Kabesang Tales.
Sa pagsisimula ng Book 2, magbabalik na si Klay sa kanyang family. Pero napakarami pa rin niyang tanong kung ano na ang nangyari sa mga kaibigan niya sa Noli Me Tangere.
Binasa ni Klay ang kabuuan ng libro pero nadiskubre niyang wala doon si Fidel. Na-bother din siya sa epilogue ng libro kung saan tinangka ni Padre Salvi na gahasain si Maria Clara.
Kaya naman nagdesisyon si Klay na basahin din ang “El Filibusterismo.” Kasunod nga nito, hiniling ng dalaga na makapunta rin sa mundo ng “El Filibusterismo.”
Hahanapin niya si Maria Clara para sabihing buhay pa rin si Crisostomo at nag-disguise na isang jeweller na si Simoun. Magtagumpay kaya siya sa kanyang misyon at mailigtas si Maria Clara sa masamang balak ni Padre Salvi?
Malalaman n’yo na rin kung ano ang nangyari sa mga iconic characters na sina Basilio, Juli, Paulita, Isagani, at Kabesang Tales?
Patuloy na tutukan ang “Maria Clara at Ibarra” mula sa direksyon ni Zig Dulay, sa GMA Telebabad, 8 p.m..
Suzette Doctolero ipinagtanggol ang ‘Maria Clara at Ibarra’ laban sa netizens: Kakapanood n’yo yan ng kabitan!
Darryl Yap puring-puri ang ‘Maria Clara at Ibarra’ nina Barbie, Dennis at Julie Anne: Hindi nakakabato, hindi kailangan ng hype
KathNiel gustong kunin para gumanap na Elias at Salome sa Noli Me Tangere; Sisa iaalok kay Liza