MARK HERRAS ipinagtanggol si YNNA ASISTIO, di raw malandi at ahas


Nang makorner namin si Mark Herras sa isang tabi after naming mag-dinner, naitanong namin dito kung ano ang reaksyon niya sa pagkakasangkot ni Ynna Asistio sa hiwalayang Derek Ramsay at Cristine Reyes.

“Yun nga eh. I simply told her na part talaga ng showbiz ang ganyan. I believe her and whatever she said on the issue. Matagal ko na siyang kilala kaya pinayuhan ko na lang siya na mas maging matatag,” tsika ni Mark.

Friends pa rin daw sila at madalas na nagkukumustahan kahit sa phone lang. Natutuwa din daw  siya ngayon sa nangyayari sa career ng dating GF lalo pa’t nakikita ng mga tao ang kakayahan nito.

“With what she is doing in Showtime (ABS-CBN show), nakakatuwang makita yung pag-grow niya as an artist. Sana magkaroon pa ng ibang shows,” hirit pa ng aktor.

Pero nang tanungin namin ito kung posible pa silang magkabalikan, isang matamis na ngiti lang ang isinukli nito sabay sabing, mas nagiging “mahal” nila ang isa’t isa ngayong better friends sila at walang commitment.

By the way, keri naman pala ni Mark ang kumanta dahil in fairness, nasa tono naman ang boses nito. Sa naturang Artista Night, he was so well-received as a dancer dahil talaga namang yun ang forte niya, but as a singer, pasado na siya!

Hindi na iisipin ng mga kukuha sa kanya sa mga out-of-town na lugi sila sa talent ni Mark! Ha-hahaha!

( Photo credit to Google )

Read more...