Wifey ni JC de Vera na si Rikkah Cruz buntis uli sa kanilang 2nd baby: ‘It’s a girl!’

Wifey ni JC de Vera na si Rikkah Cruz buntis uli sa kanilang 2nd baby: 'It's a girl!'

MADADAGDAGAN na rin ang  miyembro ng pamilya ni JC de Vera ngayong nagdadalang-tao na uli ang kanyang non-showbiz wifey na si Rikkah Cruz.

Yes, buntis na ang asawa ng Kapamilya actor sa ikalawa nilang anak at magkakaroon na ng kapatid ang panganay nilang si Lana Athena.

Nitong nagdaang Saturday, January 14, masayang ibinandera ni JC sa madlang pipol ang good news sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Nag-share si JC ng isang video clip kung saan mapapanood ang mga naging kaganapan sa nangyaring gender reveal party kamakailan. Dito ibinahagi nga ng aktor na babae ang ipinagbubuntis ni Rikkah.

“It’s a girl!!!” ang caption ng celebrity dad sa kanyang IG post gamit ang mga hashtags na #girldad at #girlpower.

Agad namang bumati sa mag-asawa ang mga IG followers ni JC kabilang na ang mga katropa niya dati sa gag show ng ABS-CBN na “Banana Sundae” tulad nina Angelica Panganiban, John Prats, at Jayson Gainza.

Unang ikinasal sina JC at Rikkah sa isang civil ceremony noong 2018, ilang buwan bago isilang ang kanilang panganay na anak. At noong September, 2021 ay muli silang nagpakasal sa isang simbahan sa Tagaytay.

Sa isang panayam, sinabi ni JC na dati niyang schoolmate si Rikkah, “Pinahirapan niya ‘ko. Dumaan ako sa butas ng karayom and hindi niya ‘ko binibigyan ng any window para pumasok ako sa buhay niya. Takot siya.

“Kasi nga ‘yung type of work kasi natin, ‘di ba. Siyempre ‘pag hindi ka talaga nasa work natin, it’s hard to undestand kung ano talaga ‘yung ginagawa natin everyday, and para doon sa mga non-showbiz, matagal ‘yung para ma-process sa kanila.

“Pero sabi ko nga, ‘Pinahirapan mo ‘ko, eh.’ Sinuyo ko talaga and decided ako na I’ll end up with you,” ani JC.

Related Chika:

Sa wakas, church wedding nina JC de Vera at Rikkah Cruz natuloy na: The stars finally aligned!

JC de Vera biglang napaiyak matapos mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN: Wow! Answered prayer!

JC de Vera: 100% loyal at faithful ako sa mga taong bibigyan ko ng pagmamahal

JC de Vera sa pagiging Kapamilya: Naging actor ako, ‘yun ang pinakamasarap sa pakiramdam

Read more...