Dominican Republic, USA, Venezuela sasabak sa huling round ng Miss Universe 2022, sino nga kaya ang susunod na reyna?

Dominican Republic, USA, Venezuela sasabak sa huling round ng Miss Universe 2022, sino nga kaya ang susunod na reyna?

Miss Venezuela Amanda Dudamel, Miss USA R’Bonnie Gabriel at Miss Dominican RepublicAndreina Founier (Photo courtesy of ABS-CBN)

BONGGA! Konting-konting na lang at malapit nang bumandera ang kokoronahang Miss Universe 2022 na kasalukuyang ginaganap sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, USA.

Pasok sa Top 3 sina:

1. Miss Dominican RepublicAndreina Founier

2. Miss USA R’Bonney Gabriel

3. Miss Venezuela Amanda Dudamel

Pinabilib ng tatlong reyna ang mga hurado sa kanilang naging sagot sa exciting ngunit nakakatensiyong question and answer round ng ika-71 edisyon ng Miss Universe.

Sa huling showdown ng pageant sasabak naman ang Top 3 candidates sa Final Statement Round na siyang magiging sukatan kung sino ang tatanghaling bagong reyna.

Ang mananalong kandidata ang siyan puputungan ng korona ni reigning Miss Universe Harnaaz Sandhu, ang ikatlong reyna mula India.

Sa ikalawang pagkakataon, si 2012 Miss Universe Olivia Culpo muli ang host ng grand coronation ng pageant kasama ang Daytime Emmy winner na si Jeannie Mai-Jenkins.

Backstage commentators naman sina 2018 Miss Universe Catriona Gray at ang Emmy Award-winning host na si Zuri Hall.

Nabigo si Celeste Cortesi na makasama sa finalists at hindi man lang siya umabot sa Top 16.

Ang apat na Pinay na mga Miss Universe titleholders ng bansa ay sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Celeste Cortesi bigong makapasok sa Top 16 ng Miss Universe 2022

Blooper ni Catriona sa Bb. Pilipinas 2021 pageant trending; pati si Miss Venezuela ‘nadamay’

Read more...