JOHN LLOYD sa pork barrel scam: Hoy, ilabas n’yo ang pera namin!

Nakapaglabas din si John Lloyd Cruz ng kanyang saloobin tungkol sa kontrobersiyal na pork barrel scam. Siyempre, nanghihinayang siya sa pondo ng gobyerno na napupunta lang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal.

Sa isang event, natanong si Lloydie kung ano ang nais niyang sabihin hinggil sa mas lalo pang umiinit na isyu sa lantaran at walang puknat na pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Sey ng aktor sa isang interview, “Kahit naman isigaw ko na, ‘Hoy, umalis na kayo diyan!’ o ‘Hoy, ilabas niyo ‘yong pera namin!’ or ‘Hoy, ayaw ko na magbayad ng tax kasi binubulsa niyo!’

“Kahit isigaw ko ‘yon, wala rin namang mangyayari, e. Aasa ka lang, aasa ka lang nang aasa. Pero ang totoo naman, we are not the system. Kumbaga, part ka lang ng sistema. Taxpayer ka lang.

“Ganu’n naman kasi dito, e. Kapag taxpayer ka, taxpayer ka lang. Kapag umangal ka, ikaw pa ang masama,” makahulugang pahayag pa ng boyfriend ni Angelica Panganiban.

Pero sabi ni Lloydie, naniniwala pa rin naman siya sa hustisya sa bansa.

( Photo credit to Google )

Read more...