Ex-PBB housemate Fumiya Sankai napagkamalang beki: I respect LGBTQ, pero I’m very, very straight!
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Fumiya Sanki
BEKI nga ba at miyembro rin ng LGBTQIA+ communitu ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at YouTuber na si Fumiya Sankai?
Yan ang tanong ng mga Marites matapos kumalat ang TikTok dance video ni Fumiya kung saan may kasama siyang non-showbiz guy na inakala nga ng mga netizens na dyowa niya.
Mapapanood ang content creator at Japanese online star sa isang TikTok dance craze na sumasayaw habang nasa likod naman niya ang hindi kilalang lalaki.
Pinusuan at ni-like ito ng maraming TikTok users pero may mga nagtanong nga sa komedyante kung boyfriend niya ang kasama niya sa video.
“Finally, ni-reveal mon a jowa mo,” ang komento ng isang netizen na tila sure na sure na siya na beki nga si Fumiya.
“Congrats fumiya with your boyfriend!” ang comment naman ng isa pa niyang follower.
Mabilis namang nag-viral ang nasabing video hanggang sa makarating nga kay Fumiya ang tungkol sa pagkuwestiyon sa kanyang gender.
“Akala ko my dance is very nice that’s why it’s trending,” ang pahayag ni Fumiya sa kanyang TikTok update.
Hirit pa ng dating housemate ni Big Brother, “I respect LGBT. Very respect. Pero I’m very, very straight. We are really straight.”
Pero super pasalamat pa rin si Fumiya sa lahat ng nanood at nagkomento sa video niya na humamig na ng mahigit five million views.