Neri Miranda nag-palengke tour sa Baguio: Wala kang maaamoy na mabaho, napakalinis at napaka-organize

Neri Miranda nag-palengke tour sa Baguio: Wala kang maaamoy na mabaho, napakalinis at napaka-organize

Neri Miranda

ENJOY na enjoy ang actress-entrepreneur na si Neri Miranda sa pamamalengke sa Baguio City Market.

Makikita sa mga litratong ibinahagi ng wifey ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda sa kanyang Instagram page ang mga eksenang nangyari habang namamalengke.

Kasama ng tinaguriang “wais na misis” ang kanilang mga kasambahay nang mag-ikot sa palengke ng Baguio. Puring-puri niya ang kalinisan ng Baguio City Market.

“Sarap talagang mamalengke lalo na at napaka organize at napakalinis ang palengke

“Saludo ako sa lahat ng mga taong nagpapanatili ng kalinisan sa Baguio City Market!” ang bahagi ng caption ni Neri sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa niya, “Kahit daluyan ng mga sasakyan, very organized!


“Wala kang makikitang basura na tambak kung saan saan. O aso na pakalat kalat at kumukuha ng mga basura. Wala talaga,” sey pa ng aktres.

Pinuri rin niya ang isa pang bahagi ng palengke, “Kahit basa ang sahig sa seafood section, wala kang maaamoy na mabaho. Maaayos lahat.

“Sa sobrang ganda ng pagkaka ayos ng mga paninda nila, very ‘Instagramable’ ang itsura, hehe!

“7 am na kami namalengke ng angels namin. Nagtaxi lang kami. Bumaba sa Abanao, tapos lakad lakad na.

“Same pa rin naman itsura ng palengke 20 yrs ago, pero mas organized talaga at mas malinis ngayon,” lahad pa ng misis ni Chito.

Kasunod nito, hinanap din daw ni Neri ang flower section dahil matagal na niyang gustong bumili ng fresh eucalyptus para sa kanilang bahay, “Super gusto ko yung scent nun!”

“Nakarating din kami sa Hangar. Saya saya! Mas mura gulay at maraming ukay. Kaso di na ako nag ukay at baka di makaluto ng lunch para sa mga bata.

“Ulam namin ngayon? Munggo, fried tilapia, sawsawan na kamatis, patis, wansoy, at nilagang talbos sayote with bagoong isda at kalamansi with sili! Kasama ng mainiiiit na EXTRA RICE!” chika pa ni Neri Naig.

Pinusuan at ni-like naman ng sandmakmak na IG followers ni Neri ang kanyang “palengke tour.”

Neri Miranda ibinandera ang bagong negosyo at nabiling bahay sa Baguio; inalala ang kahirapan ng buhay noong bata

Kris Bernal nagpasalamat sa pagmamahal ng asawa: Kahit madalas matigas ang ulo ko at pasaway

Robi Domingo walang sama ng loob kay Zeinab Harake: Ba’t naman ako magagalit kung totoo naman na mahina…

Read more...