Binata, meron pa?

Sulat mula kay Leonila ng Claveria, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Kabit lang ako pero masaya naman dahil sa akin pa rin umuuwi ang aking asawa na pamilyado na.  Umuupa lang kami.  Sa isang linggo ay apat na araw siyang umuuwi sa akin kaya’t hindi nakakahalata ang aming mga kapitbahay at ang tingin nila sa amin ay tunay na mag-asawa.  Siyempre, hindi naman ako tunay na masaya.  Kapag inisip ko ang pangmatagalan ay nag-aalala na ako.  Ganito na lang ba ako?  Habambuhay na ba ito?  Nais kong malaman, Sir Greenfield, kung talagang mahal ako ng lalaking ito at kapag daw siya nakipaghiwalay sa kanyang legal na asawa, malaya na raw kaming magsasama pero ang inaaala ko ay kailan pa kaya mangyayari iyon? Kung makikipaghiwalay na ako sa lalaking ito may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa ng binata at makaranas na maikasal at magkaroon ng mas disente at mas maayos na pamilya?
Umaasa,
Leonila ng Claveria, Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May bilog sa unahang bahagi ng Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin nito “hindi pangkaraniwan” ang magiging karanasan mo sa pag-ibig at pag-aasawa at ang hindi pangkaraniwang ito ay kasalukuyan nang nangyayari at nagaganap sa iyong buhay, bilang kabit.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Three of Hearts, at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kahit na ikaw ay kerida lamang ngayon, marami ka namang nagiging pera at marami ka pang mahahawakang pera o materyal na bagay na dapat mong sinupin, upang sa sandaling magkahiwalay kayo ng lalaking kinakasama mo ngayon ay makapag-establish ka ng sarili mong yaman o magkaroon ka ng sariling financial stability.
Itutuloy….

Read more...