Kelot pinugutan sa P50

PINUGUTAN ng ulo ang 20-anyos na lalaki na ninakaw umano ang P50 ng kanyang kapitbahay sa Malangas, Zamboanga Sibugay.

Pinugutan si Gaga Dangay, 20, ni Johnny Palinta, 35, ng Sitio Gondong, Brgy. Overland, alas-7 ng gabi Miyerkules, ani Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng Zamboanga Peninsula regional police.

Bago ang insidente, umuwi si Palinta mula sa inuman at kumain ng hapunan kasama ang asawa. “While having dinner, his (Palinta) wife got angry and kept mentioning the name of (Dangay), who she blamed for the loss of her P50,” ani Huesca.

Matapos kumain ay nagtungo si Palinta sa bahay ni Dangay. Matapos kum-prontahin ay pinugutan ng ulo ng suspek ang biktima.

Nasakote naman ang suspek bago pa ito makatakas. Nakadetine siya sa Malangas Police Station habang hinahanda na ang kaso laban sa kanya.

Read more...