‘Avengers’ star Jeremy Renner nagparamdam na matapos maaksidente sa snow; matindi ang tinamong injury

Jeremy Renner nagparamdam na matapos maaksidente sa snow; matindi ang tinamong injury

Jeremy Renner

TATLONG araw makalipas maaksidente habang nag-aararo ng yelo sa labas ng kanilang bahay sa Washoe Count, Nevada, USA, nagparamdam na sa publiko ang Hollywood actor na si Jeremy Renner.

Sumailalim sa ilang surgery ang “Avengers” actor dahil sa tindi ng natamong injury sa kinasangkutang insidente, kabilang na ang blunt chest trauma at orthopedic injuries.

Ayon sa ulat, nagulungan si Jeremy ng kanyang vintage PistenBully o snowcat (may bigat na 14,330) na ginagamit sa pampatag at pang-alis ng yelo sa daan at kalsada.

Agad na isinugod ang Hollywood actor sa ospital at kasalukuyan pa ring nakaratay sa ICU matapos ang dalawang operasyon na isinagawa sa kanya.

Balitang nilagyan ng mga doktor ng metal pin ang kanyang binti na nagulungan ng PistenBully at mukhang unti-unti na ngang bumubuti ang kanyang kalagayan.

Kaninang umaga, nagawa nang mag-post ni Jeremy sa kanyang Instagram page para ipaalam sa publiko na medyo maayos na ang kundisyon niya kasabay ng pasasalamat sa lahat ng nag-alala at nag-alay ng dasal para sa kanya.


“Thank you all for your kind words. I’m too messed up now to type. But I send love to you all,” ang caption na inilagay ni Jeremy sa kanyang IG photo na kuha sa loob ng ICU.

Base sa pahayag ni Washoe County Sheriff Darin Balaam isang freak accident nga ang nangyari kay Jeremy.

Aniya, tinulungan daw ng aktor ang isang kaanak na matanggal ang sasakyan nito mula sa pagkakabaon nito sa yelo gamit ang PistenBully.

Naialis naman daw ang lumubog na sasakyan at habang kinakausap ang kamag-anak na tinulungan nakita niya na gumugulong na ng snowplow.

Tinangka raw ni Jeremy na makasakay muli sa snowplow para mapigilan ang pag-andar nito pero huli na ang lahat dahil nasagasaan na siya siya ng sasakayan.

Pinoy fans nag-alay ng dasal para kay ‘Hawkeye’ Jeremy Renner matapos maaksidente habang nag-aararo ng yelo; sumailalim sa 2 surgery

Matteo naglublob sa tub na puno ng yelo, netizens nabahala

Francis M ‘nagparamdam’ kay Maxene Magalona, nakatanggap ng ‘regalo’ sa mismong kaarawan ng ama

Read more...