Ging Reyes nagretiro na bilang chief ng ABS-CBN News | Bandera

Ging Reyes nagretiro na bilang chief ng ABS-CBN News

Ervin Santiago - January 03, 2023 - 07:39 AM

Ging Reyes nagretiro na bilang chief ng ABS-CBN News

Ging Reyes

INANUNSYO na ng ABS-CBN ang pagreretiro ni Integrated News and Current Affairs head Regina “Ging” Reyes sa pagtatapos ng taon.

Ito’y matapos ang 36 taon na bukod-tanging paglilingkod sa larangan ng broadcast journalism, kabilang na ang 12 taon bilang news chief ng isa sa mga nangungunang media companies sa bansa.

Sa pamumuno ni Ging, nakamit ng ABS-CBN News ang layunin nitong maging integrated news organization na naghahatid ng balita at serbisyong publiko sa mga Pilipino saan man sa mundo gamit ang iba’t ibang plataporma sa gitna ng pandemya.

Hinirang din siya na 2022 Southeast Asia Laureate for Women in News Editorial Leadership ng World Association of News Publishers (WAN-IFRA) sa Spain noong Setyembre para sa kanyang editorial integrity at bukod-tanging pamamalakad.

Dahil din sa husay ni Ging sa pamumuno, nakatanggap ang ABS-CBN News ng mga prestihiyosong pagkilala mula sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Cannes Corporate Media & TV Awards, Society of Publishers in Asia, at U.S. International Film & Video Festival Awards.

Naging bahagi rin si Ging ng advisory board ng New York Festivals World’s Best TV & Film Awards.

Iiwan ni Ging ang mga pamanang dekalidad na serbisyong publiko at husay sa trabaho na kanyang sinimulan noong 1986 bilang isang production assistant.

Kalaunan naging executive producer at head writer si Ging ng award-winning show na “The World Tonight” at iba pang special events bago siya na-promote bilang director for news production.

Bago si Ging naging news chief noong 2010, siya rin ang nanguna sa paglawak ng operasyon ng ABS-CBN News sa Amerika at Canada bilang North America news bureau chief sa loob ng walong taon.

Pinangalanan din siyang isa sa mga 100 Most Influential Filipino Women in the U.S. ng Filipina Women’s Network.

Nadine sinupalpal ang bashers na ‘di maka-move on: I’m still living rent free in your heads

Lauren Dyogi dedma muna sa mga umalis na Kapamilya: Mas importante ‘yung mga kasama ko ngayon…sa hirap at ginhawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Head writer ng GMA may hugot sa Legal Wives ni Dennis: Aanhin ang papuri? We need ratings!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending