LETRAN tutumbukin ang FINAL FOUR berth


Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. Arellano vs EAC
6 p.m. St. Benilde vs
Letran
Team Standings: *San Beda (13-2); Letran (11-3); Perpetual (11-5); San Sebastian (8-6); EAC (8-7); JRU (6-8); St. Benilde (5-9); Arellano (5-9); Lyceum (5-10); Mapua (1-14)
* -pasok sa Final Four

PAGTITIBAYIN pa ng Emilio Aguinaldo College at Letran ang paghahabol ng puwesto sa Final Four laban sa dalawang katunggali na umiiwas naman na mamaalam na sa 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon ay sa pagitan ng Generals at Arellano University Chiefs at nakaumang sa una ang makasaysayang ikasiyam na panalo matapos ang 16 laro.

May tatlong sunod na panalo ang tropa ni EAC coach Gerry Esplana at kung magwagi pa sila, titibay ang kanilang paghahabol sa ikaapat at huling puwesto na aabante sa semifinals na sa ngayon ay tangan ng pahingang San Sebastian Stags (8-6).

Sa kabilang banda, ang Knights ay magtatangka na samahan ang three-time defending champion San Beda Red Lions sa
Final Four kung talunin ang host Blazers sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi.

( Photo credit to INS )

Read more...