#LoveWins: Agnes Reoma at Pat Lasaten ng Ben&Ben ‘en-gay-ged’ na!

#LoveWins: Agnes Reoma at Pat Lasaten ng Ben&Ben 'enged' na!

Agnes Reoma at Pat Lasaten

ISANG oras bago magputukan para sa pagsalubong sa Bagong Taon, may bonggang pasabog din ang dalawang miyembro ng award-winning OPM group na Ben&Ben.

Ibinandera ng bassist ng grupo na si Agnes Reoma at ng keyboardist nilang si Pat Lasaten sa buong universe ang kanilang engagement as a couple.

Sinorpresa ng dalawang musikero ang milyun-milyon nilang tagasuporta sa mga ipinost nilang engagement photos sa Instagram bilang bahagi ng pag-welcome nila sa 2023.

Nag-share si Agnes ng mga litrato nila ni Pat sa IG na kuha nga sa naganap na marriage proposal, kabilang na rito ang pagdi-display nila ng kanilang engagement ring.

May photo rin ang engaged couple ng kanilang rainbow cake na may nakasulat na “Just got en-gay-ged!”

“Last July. A lot of surprises and blessings happened this 2022 but this is my favorite. Love you forever, Patfly.

“Patnes nyo engaged na,” ang isinulat na caption ni Agnes sa kanyang IG post.


Bumaha naman ng mga congratulatory message sa comment section ng Instagram photos nina Agnes at Pat kabilang na ang vlogger na si Mimiyuuuh at ang musician din na si Nica del Rosario.

“Labyu kayong dalawa (I love you both),” komento ni Mimiyuuuh na may kasunod pang teary-eyed emoji.

“Congrats guys,” pagbati naman ni Nica.

Narito pa ang iba pang reaksyon ng mga netizens sa engagement ng dalawang members ng Ben&Ben.

“LOVE U BOTH AAAAHHHHH PATNES FOREVER CONGRATULATIONS!”

“Matatapos na lang at lahat yung taon, nangiinggit pa rin kayo. Edi congrats po.”

“Kunwari surprised kami… hehe. Congrats PatNes!!!”

“Finally, it’s out and I’m soooooo happy!!! Happy new year, PatNes! Love you and trust that we will forever have your backs!”

“Paano ba nila ginagawa yung ganyan? Congrats you to you @agnesreoma and @patlasaten.”

“MAAAAAAAAA CONGRAAAATTTTSSS NAKAKAIYAK NAMAN TOOOOO. SA CANADA BA VENUEEE? OKAY MAG READ NA KAMI NILA @vettedeluna @erl.lagang HAHAHA LOVE YOU BOTH.”

“ANG SAYA SAYA KO OMG BAAAAALLLLL AAAAAAA THE PARENTS ARE ALREADY ENGAGED USTO Q MAGCRY.”

Pitong taon nang magkarelasyon ang proud LGBTQIA+ couple na nag-celebrate ng kanilang anniversary last February.

Ben&Ben todo papuri sa SB19: Mga totoo silang tao, saludo kami sa inyo!

Toni Gonzaga nagbunyi sa pagkapanalo ni Bongbong Marcos: Congrats Ninong!

Xander Ford tatay na: Anak, ipagmamalaki kita kahit ano pang sabihin nila!

Read more...