Payo ko sa kapwa ko mamamahayag

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

BAKIT mahilig si Pangulong Gloria na ilipat ang official public holiday kapag ito’y natuon sa Sabado o Linggo?
Kapag inilipat ang selebrasyon ng makasaysayang araw, hindi na totoo ang paggunita sa nasabing araw.
Gaya na lang ng Independence Day ngayong araw, June 12.
Gaya ng ginagawa ni Aling Gloria kapag nagkataon na Sabado o Linggo ang official public holiday, ginagawa niya itong Lunes.
Parang binabalewala niya ang pagiging sagrado ng June 12 Independence Day sa kanyang paglipat ng holiday sa Lunes, June 14.
Magkaibang araw ang June 12 at June 14.
Kaya lang ginagawa ito ni GMA ay dahil gusto niyang maging masaya ang mga tao dahil walang pasok. At kung sila’y pinapapasok ng kanilang mga employers ay babayaran sila ng doble at may overtime pa.
For an economist, parang walang alam si Gloria sa economics.
Nalulugi ang kalakalan o business kapag walang pasok dahil wala itong kita.
Patay ang negosyo tuwing walang pasok na iniutos ng gobyerno.
Apektado ang ekonomiya kapag walang pasok sa mga kalakalan na bumubuhay sa bansa. Business and commerce are the lifeblood of the nation.
* * *
Siyempre, natutuwa ang ordinaryong manggagawa na walang pasok dahil may suweldo siya kapag official holiday.
Ang hindi niya alam ay baka malugi ang kanyang pinagtatrabahuhan dahil walang produkto.
At kapag walang produkto, walang pera.
Ano ba ang bumubuhay sa ekonomiya, di ba ang komersiyo at negosyo?
At kapag nabangkarote ang mga negosyo, bangkarote rin ang gobyerno.
Saan ba kumukuha ng pera ang gobyerno, di ba sa buwis na ibinabayad ng business and commerce?
* * *
Although maraming nagulat sa pagiging mataray ni Pangulong Noy (o P-Noy, na gusto niyang itawag sa kanya), tama lang ang ginawa niya doon sa reporter na Haponesa during an interview with reporters pagkatapos ng kanyang proklamasyon.
Tinanggihan ni P-Noy ang kahilingan ng Haponesang reporter na ulitin niyang sabihin ang programa ng kanyang administrasyon sa salitang Ingles.
Ang sagot ng bagong hirang na Pangulo: “Hindi ako jukebox.”
From now on, alam na ng mga reporters na dapat ay nakikinig sila sa sinasabi ng Pangulo during a press conference upang di sila mapahiya.
May mga reporters kasi na inuulit ang tanong na nasagot na dahil hindi sila nakikinig sa mga sinasabi ng ini-interview.
May iba na walang katuturan o nonsense ang mga tanong.
At isa pang unsolicited advice sa aking kapwa mamamahayag: If you attend a press conference by public officials o VIPs, please dress appropriately.
May mga reporters kasi na napapansin ko na naka T-shirt lang, uma-attend na ng press conference.
Ang dapat na kasuotan sa press conference ay shirt with necktie, barong tagalog, polo barong o kaya ay suit (amerikana).
The rule of the thumb is if the occasion if formal, like a presidential press conference, the reporter should be in formal dress.
Hindi natin iginagalang yung ini-interview, ipinakikita natin sa publiko na dapat tayo igalang kung tayo’y marunong manamit.
Ikaw ba’y magsusuot ng sando sa marangyang kasalan na ikaw ay ninong o ninang?
May kamag-anak ang aking maybahay na pinagalitan ko nang pumunta sa kasal ng aking anak na nakasuot ng T-shirt na walang collar at nakamaong.
Napansin ko si kolokoy sa simbahan pa lang at sumama pa sa group picture.
Ipinaabot ko sa kanya na huwag siyang dumalo sa party pagkatapos ng kasal.
Bakit ko ginawa yun? Dahil hindi niya iginalang ang para sa akin ay sagrado at pormal na okasyon.

Bandera, Philippine News, 061510

Read more...