DASAL pa rin ang pakiusap ng ni Ogie Alcasid para sa tatay ni Regine Velasquez na si Mang Gerry. Nasa hospital pa rin kasi ang father in law ng Songwriter at patuloy na nagpapagaling sa kanyang sakit.
Sa trade launch ng TV5 para sa mga bago nilang programa ngayong third quarter ng 2013 na ginanap nu’ng Miyerkules ng gabi sa NBC Tent sa Global City, Taguig, sinabi ni Ogie na talagang dumadaan ngayon sa isang challenge ang kanilang pamilya ni Regine dahil sa kundisyon ni Mang Gerry.
Ayon kay Ogie, nananatiling nasa ospital ang ama ni Regine, halos isang buwan na raw itong nakaratay doon matapos ang isang major operation na ginawa ng mga doktor.
Kuwento pa ng bagong Kapatid talent, “Kapag may isang miyembro ng pamilya ang nasa ospital, mahirap talaga. It’s a day-to-day battle, kaya mahirap magsalita kung okay na okay na siya. But we are very happy na he gets better.
“Kaya ang lagi g naming sinasabi, magdasal na lang tayo, hindi lang para kay Mang Gerry, kundi para sa buong pamilya na rin at iba pang family na dumaraan din sa ganitong uri ng pagsubok,” sey pa ni Ogie.
“At siyempre, alam n’yo na, the more people who pray for Papa, the better. It’s really hard for the family,” dagdag pa ng butihing asawa ng Songbird na hindi talaga nagkukulang sa pagsuporta sa kanyang misis, lalo na sa mga ganitong sitwasyon.
Samantala, sa gitna nga ng pagsubok na pinagdaraanan ng pamilya nila ni Regine, mas marami pa rin naman ang dumarating na blessings sa kanila, kabilang na nga ang tatlong shows na ginagawa niya ngayon sa TV5.
Umeere na ngayon tuwing Linggo ang musical show nila ni Sharon Cuneta na The Mega And The Songwriter at ang gag show na Tropa Mo Ko Unli tuwing Sabado.
At mula Lunes hanggang Biyernes naman simula sa Oct. 14, mapapanood na ang kauna-unahang “ghost teleserye” ni Ogie sa TV5 na The Gift kung saan makakasama niya sina Nadine Samonte, Arci Munoz, Leo Martinez, Candy Pangilinan at new child star, Joshen Bernardo. Chika ni Ogie, talagang dugo at pawis daw ang ibibigay niya sa mga shows na ipinagkatiwala sa kanya ng Singko para hindi siya mapahiya.
Ayaw nang patulan ni Ogie ang mga taong nangnenega sa musical show nila ni Sharon, sa halip daw na ma-offend o magalit, mas pagbubutihin pa nila ang kanyang programa para mas marami silang mapasaya.
Sey ni Ogie talagang malayo pa ang lalakbayin ng kanilang show para lalong makilala. Siyempre, feel na feel daw ni Ogie ang pressure para mag-rate ang lahat ng shows niya sa TV5, “The pressure, I feel it.
But it doesn’t stress me out. I like it. Para kang nagsisimula ulit and I’m happy because the network is willing to listen, willing to do scenes na hindi normal.”
“Du’n sa show namin ni Mega, first of all, a musical show is not cheap and they paired me with Sharon. Never in my wildest dream that I imagined it would happen. Sharon is still Sharon Cuneta, di ba?
“And being able to sing entire songs kasama siya, sa akin talagang ang sarap naman no’n. And I’m hoping that that would come across to our audienc, that they start to appreciate it,” sey pa ni Ogie.
( Photo credit to Google )