SARAH dedma kay MATTEO, takot pa ring masaktan

Dahil halos sold out na ang ticket sa “Perfect 10” concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum sa Nov. 15 kaya nag-decide ang manager niyang si Vic del Rosario na pagbigyan ang request ng fans na magkaroon agad ito ng repeat.

At mangyayari ito sa Nov. 30 sa SM MOA Arena. Katwiran ni Boss Vic ito ay para naman mas malapit sa mga fans ni Sarah from South. Nabanggit niya na naunang naubos ang ticket sa Patron Section ng Nov. 15 concert.

“Yun ang unang nauubos,” sabi ng big boss ng Viva Group of Companies. Super hands on daw si Sarah sa concert niyang ito at personal na namimili ng mga kanta at maging sa gagamiting gowns at stage design.

Tenth anniversary concert ni Sarah ang “Perfect 10” kaya talaga raw ginagawa nito ang lahat para talagang ma-perfect niya ang lahat ng production numbers.

For ticket inquiries, call lang sa Tickets (911-5555), SM Tickets (470-2222) at Viva Concerts (687-7236).In fairness, dedma raw muna ang Pop Princess sa mga boys, concentrated daw kasi ang lahat ng panahon ng dalaga sa kanyang concert.

Kaya naman ayaw na muna nitong mag-comment tungkol sa kanila ni Matteo Guidicelli na sinasabing bagong apple of the eye ngayon ng Pop Princess.

At ayaw din daw nito nang patung-patong na trabaho kaya sa concert niya muna ito tututok. Malamang na early next year na gumawa ng pelikula si Sarah.

Katatapos lang mag-coach ni Sarah sa The Voice of the Philippines kung saan second placer sila ni Klarisse. At vindicated sina Sarah at Klarisse dahil ayon sa supporters ng The Voice, si Klarisse raw ang dapat na nanalo at hindi si Mitoy.

( Photo credit to Google )

Read more...